P12.5-M DROGANG SABAT SA CLARK NASA PDEA NA

SA hangaring tiyakin ang seguridad ng mga nakum­piskang kontrabando, inilipat ng pamunuan ng Bureau of Customs – Port of Clark (BOC-Clark) sa Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pag-i­ingat ng nasa P12.5-mil­yong halaga ng iba’t ibang klase ng drogang nasabat sa nakalipas na siyam na buwan.

Sa datos ng BOC-Clark, kabilang sa mga inilipat sa kustodiya ng PDEA ang 12 imported shipments na nasilat ng mga alistong operatiba sa tulong ng mga makabagong scanners at trace detectors mula Marso hanggang Nob­yembre.

Pagtitiyak ng BOC, naisampa na rin ang mga karampatang kaso – kabilang ang paglabag sa mga robisyon sa ilalim ng Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022) sa laban sa mga indibidwal na nakatala sa dokumentong kalakip ng mga nabulilyasong kontrabando.

Sa impormasyong ibinahagi sa official page ng BOC-Clark, kabilang sa mga nai-turnover sa PDEA ang 4,102 piraso ng Ecstasy na may halagang P6.9M mula sa isang kargamento mula sa Paris (France); P4.3 milyong halaga ng Kush mula California USA; P672,000 halaga ng Kush mula Quebec, Canada; P390,000.00 halaga ng marijuana capsules mula sa Alberta, Canada; limang (5) gramo ng Ketamine; 37 pakete ng marijuana gummies, at mga sangkap sa paggawa ng iba’t ibang klase ng droga.

Sa pahayag ni Port of Clark Collector John Simon, binigyang pagkilala ang mga alistong kawaning nasa likod ng matagumpay na pagkasabat ng droga sa nasasakupang distrito.

Malaking bentahe rin ani­ya ang matibay na ugnayan ng BOC sa mga katuwang na ahensya ng gobyerno, kabilang ang PDEA, Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at iba pa.

241

Related posts

Leave a Comment