P13.5-M MARIJUANA HULI NG PDEA

TINATAYANG nasa 113 kilo ng dried marijuana leaves na nagkakahalaga ng P13,560,000 ang nakumpiska ng mga tauhan ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva sa Dinakan, Dangoy, Lubuagan, Kalinga noong Biyernes ng madaling araw

Ayon sa ulat, nasabat ng PDEA sa inilatag na checkpoint ang 113 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana, katuwang ang mga operatiba ng Cordillera Autonomous Region (CAR) bandang alas-4:00 ng madaling araw sa Sitio, Dinakan, Baranay Dangoy.

Ayon sa natanggap na report ni DG Villanueva mula kay CAR Regional Director Gill Castro, ang bulto ng pinatuyong marijuana ay nahuli sa pag-iingat nina Aldren Paul Cabanes Pacion, 27, at Jaymor Sacatani Eusebio, 31-anyos.

Ayon kay Castro, isang interdiction operation ang kanilang inilatag katuwang ang mga tauhan ng Lubuagan MPS, 1st at 2nd KPMFC, PDEA-CAR, Tinglayan MPS, Pasil MPS, RIU 14, RID PROCOR, RDEU, PDEU, PIU, Tabuk CPS, RECU/PECU, RACU COR, 1503rd RMFB at CIDG Kalinga/Apayao kasunod ng kanilang nakalap na intelligence information hinggil sa isasagawang pagpupuslit ng kilo-kilong marijuana.

Nagresulta ang isinagawang dragnet sa pag-aresto sa mga suspek at nakumpiska ng 106 landrilyo o dried marijuana bricks at 7 tubular marijuana na tinatayang nasa isang kilo ang bawat isa.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang cellphone, isang iPhone, L300 Mitsubishi van na may plate number ICL 2669 na ginagamit sa pagbiyahe ng kontrabando.

Ang mga arestado ay pansamantalang nakadetine sa CAR jail facility habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 Sec. 5 (transportation of illegal drugs). (JESSE KABEL)

196

Related posts

Leave a Comment