CAVITE – Tinatayang mahigit sa P13 bilyong halaga ng shabu at kemikal ang sinira sa Integrated Waste Management, Inc. (IWMI) sa Brgy. Aguado, Trece Martires City sa lalawigang ito, nitong Biyernes ng umaga.
Sinunog sa pamamagitan ng thermal decomposition ang tinatayang 2,103,904,93 gramo o 2.10 tons ng hinihinalang shabu, marijuana, cocaine, ectasyepedrine, ketamine, diazepam, methyl ephedrine, nalbuphine, MDA (Methylenedioxyamphetamine), GBL (Gamma-Butyrolactone) 2C-B, liquid ecstasy at expired na mga gamot.
Ang Thermal Decomposition o Thermolysis ay proseso na sinusunog ang mga kemikal sa 1,000 degrees centigrade.
Ang sinunog na droga at mga kemikal ay mula sa iba’t ibang anti-drug operations ng Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies ng pamahalaan, at ipinag-utos ng korte na sunugin.
Nabatid na ito ang pinakamalaking volume ng mga sinunog na ilegal na drag sa kasaysayan ng PDEA, sa panunungkulan ni PDEA Director Wilkins Villanueva.
Si Justice Jose Midas Marquez, Court Administrator ng Supreme Court of the Philippines, ang panauhing pandangal sa nasabing seremonya ng pagsunog ng mga ilegal na droga. (SIGFRED ADSUARA/JOEL O. AMONGO)
