P135-B ‘WHITE ELEPHANTS’, ‘SKELETONS’ NATUKLASAN SA DPWH BUDGET

NABISTO ni Senador Panfilo Lacson ang halagang P135 bilyon na inilaan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa aabot sa 6,000 proyekto na hindi natapos sa kabila ng multi-milyong halaga ng pondo sa ilang nakaraang taon na pawang pagsasayang sa pera ng bayan.

Sa kanyang manipestasyon sa ginanap na deliberasyon ng P4.5 trilyong national budget sa 2021, sinabi ni Lacson na kanyang natuklasan ang pagkakaiba sa pagitan ng “extraordinary huge amounts” at kakarampot na alokasyon sa infrastructure project sa ilang bahagi ng bansa.

Aniya, natuklasan ng kanyang staff ang 5,913 “rehashed” project na nagkakahalaga ng P135 bilyon kabilang ang “skeletons” ng multi-purpose building (MPBs) at ilang inabandona sa iba’t ibang kadahilanan at naging “white elephants.”

“There could not be a better illustration of how acts of corruption are committed than by the misuse and abuse of public funds — not anymore by the hundreds of thousands but by the millions of pesos, wasted during implementation of the national budget or the General Appropriations Act (GAA),” aniya.

“It would be like tolerating fraud if we continue allotting funds even after we have already seen how many of the local projects remained to be skeletons even after we have appropriated a few million pesos,” giit pa ng senador.

Sinabi naman ni Senador Sonny Angara na maaaring ungkatin ni Lacson ang mga isyung inilutang nito kapag sinimulan nang talakayin ang badyet ng DPWH kasama si Secretary Mark Villar.

Dahil dito, ipinanukala ni Lacson na gastusin ang halagang P68 bilyon na inilaan sa pagtatayo ng MPBs sa 2021, sa pagtatayo ng evacuation center o quarantine facilities.

“The proposals for the fund realignment may be discussed during the period of amendments,” ayon kay Angara.

Kinuwestiyon din ni Lacson ang isyu ng pagkakaiba sa pagpopondo ng DPWH projects kumpara sa P15.351 bilyon alokasyon sa isang urban engineering district sa Davao laban sa isa na nakatanggap lamang ng P42 milyon.

“What’s in those districts that could merit, not to mention, absorptive capacity? Because I cannot see how that engineering district could implement P15.351 billion of infrastructure projects [in one year],” ayon sa senador.

Sinabi ni Lacson na matapos nitong suyurin ang DPWH budget, natuklasan nito ang P7.9 bilyong proyekto sa Benguet province, P7.5 bilyon sa Albay province at P3.75 bilyon sa lalawigan ng Abra.

Kausap ni Lacson si Senate President Vicente Sotto III na nagulat sa natuklasan ng una.

“I never came across something like that in the past because before, allocations were usually meant to benefit not only a single district, but an entire province,” ayon kay Lacson. (ESTONG REYES)

232

Related posts

Leave a Comment