P155.2-M JACKPOT SA ULTRALOTTO 6/58, NASUNGKIT NG CAVITEÑO

INSTANT milyonaryo ang isang maswerteng Caviteño matapos masolo ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58 sa draw nitong Linggo ng gabi.

Nakuha ng mananaya ang winning combination na 26-08-20-03-58-27, na may katumbas na ₱155,223,593.80.

Ayon kay PCSO Vice Chairman at General Manager Melquiades “Mel” A. Robles, nabili ang tiket sa Sunny Brooke 1, Brgy. San Francisco, General Trias, Cavite.

Samantala, 24 na indibidwal ang nakatsamba ng five-number match at makakakuha ng tig-₱120,000 bawat isa.

Ginaganap ang UltraLotto 6/58 draw tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

(TOTO NABAJA)

52

Related posts

Leave a Comment