P16-B SHABU SINUNOG NG PDEA SA CAVITE

CAVITE – Tinatayang P16,086,800,984.03 halaga ng illegal drugs o shabu, ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Integrated Waste Management Inc. (IWMI) sa Brgy. Aguado, Trece Martires City nitong Huwebes ng umaga.

May kabuuang 2,904,756.6818 gramo ng solid illegal drugs, at 14,117.8500 milliliters na liquid illegal drugs ang sinunog sa pamamagitan ng thermal decomposition thermolysis, isang proseso kung saan sinusunog ang mga ito sa 1,000 degrees centigrade na init.

Kabilang sa mga sinunog ang 2,336,482.6324 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu; 529,906.1246 gramo ng marijuana; 3,067.6948 gramo ng MDMA o ecstasy; 8,790.8800 grams ng cocaine; 11,315.9900 grams ng Ketamine; 10,146.2600 grams ng Nimetazepam; 41.5600 gramo ng Toluene; 4.7900 gramo ng Opium Poppy; 0.5800 gramo ng Nitrazepam; 0.1700 gramo ng Diazepam; 4,506.7200 ml. na liquid marijuana; 851.1300 ml. na liquid shabu; at 8,760 ml. na Ephedrine; at 5,000 gramo ng surrendered expired medicines.

Ang mga droga at controlled precursors and essential chemicals (CPECs) ay bahagi ng mga nakumpiska sa iba’t ibang drug operations na isinagawa ng PDEA kasama ang kanilang counterpart law enforcement at military units at hindi na kailangan bilang ebidensya sa korte.

Kabilang sa mga sinunog ay 1,480,315.2 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu na narekober sa isang operasyon sa Subic Zambales noong Hunyo 20, 2025; 239,550.94 grams ng shabu na narekober sa parking lot ng isang restaurant sa Aguinaldo Highway, Barangay Salitran II, Dasmariñas City, Cavite noong Oktubre 16, 2021; 119,843.3207 grams ng shabu na narekober sa Port of Calapan, Brgy. San Antonio, Calapan City noong Marso 21, 2025; 49,705.2 grams ng shabu na nakumpiska sa isang buy-bust operation sa Barangay Putatan, Muntinlupa City noong Marso 14, 2025; 39,826.7 grams ng shabu sa buy-bust operation sa Batangas Port noong Setyembre 16, 2025; at 28,986.2 gramo ng shabu na nakumpiska sa BF Homes, Parañaque City noong Mayo 10, 2025.

Kabilang pa sa mga sinunog ang tinatayang 143,161 gramo ng shabu packs na narekober sa mga mangingisda sa dagat ng Bataan at Batanes na itinurn-over sa mga awtoridad.

(SIGFRED ADSUARA)

86

Related posts

Leave a Comment