NASOLO ng isang maswerteng mananaya ang jackpot prize ng SuperLotto 6/49, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ayon kay PCSO General Manager at Vice-Chairperson Melquiades “Mel” Robles, nakuha ng panalong tiket ang kumbinasyon na 04-25-20-14-12-05, na may kabuuang premyong P184,998,366.40.
Nabatid na nabili ang maswerteng tiket sa isang outlet sa Santo Domingo, Nueva Ecija.
Nasa 103 indibidwal naman ang nakakuha ng limang kombinasyon at bawat isa ay makakatanggap ng P50,000.
Upang makuha ang jackpot prize, kailangang magtungo sa punong-tanggapan ng PCSO sa Sun Plaza Building, 571 Shaw Blvd., Mandaluyong City, dalhin ang maswerteng tiket at dalawang valid ID.
Ang SuperLotto 6/49 ay isinasagawa tuwing Martes, Huwebes, at Linggo.
(TOTO NABAJA)
29
