LAGUNA – Naaresto ng mga awtoridad ang dalawang indibidwal na sangkot umano sa bentahan ng cocaine sa mga disco club at pub sa Metro Manila at Angeles City, sa ikinasang buy-bust operation sa harap ng isang sikat na theme park sa Barangay Balibago, Sta. Rosa City sa lalawigang ito.
Ang operasyon ay isinagawa ng magkatuwang na mga operatiba ng PDEA Region III – Pampanga Provincial Office, PDEA CALABARZON, at ng Sta. Rosa Police dakong alas-10:40 ng gabi malapit sa parking lot ng Enchanted Kingdom sa nasabing lungsod.
Kinilala ang naarestong mga suspek na sina Aaron Gidwani y Nari, 37, at Mark Paul Pagayon y Idhaw, 41-anyos.
Natimbog ng mga awtoridad ang dalawa matapos magbenta ang mga ito ng 500 gramo ng cocaine na tinatayang nagkakahalaga ng P2,650,000.
Sinampahan ang dalawang suspek ng kasong paglabag sa Section 5 (sale of dangerous drugs) in relation to section 26-B (conspiracy to sell) ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (NILOU DEL CARMEN)
167