P200-K NATANGAY NG BUDOL-BUDOL

LAGUNA – Naghihinagpis ang isang empleyada matapos na matangayan ng halagang P200,000 ng tatlong miyembro ng Budol-budol gang sa San Pedro City sa lalawigang ito, noong Biyernes ng
hapon.

Ayon sa biktimang si Elvira Libron, 62, residente ng Pacita Complex, Barangay Nueva, sa hindi niya malamang dahilan, napag-withdraw siya sa bangko ng pera ng tatlong  suspek, na dalawang babae at isang lalaki, at ibinigay sa mga ito kapalit ng isang bag na umano ay naglalaman ng “pera”.

Ayon sa biktima, lumapit sa kanya ang babaeng suspek na nagpakilalang taga Mindoro upang humingi ng tulong para makabili ng gamot para sa asawang naka-confine umano sa Westlake
Medical Center sa naturang lungsod.

Sumakay sila sa isang van kung saan nakasakay ang isa pang babae at ang nagmamanehong lalaking suspek.

Sa loob ng sasakyan ay sinabi umano ng mga suspek na kailangan nilang maideposito ang “pera” na nasa loob ng bag na ipagkakatiwala nila sa biktima kung makapagbibigay ito ng halagang P200,000.

Matapos makapagwithraw ang biktima at maibigay ang pera, mabilis na umalis ang tatlo sakay ng van.

Ganoon na lamang ang panlulumo ng biktima nang makita na isang bente pesos at mga ginupit na papel ang laman ng bag.

Hindi rin nito maipaliwanag kung bakit nakumbinsi siya ng tatlo na mag withdraw ng pera. (NILOU DEL CARMEN)

77

Related posts

Leave a Comment