P200-M AYUDA SA VULNERABLE SECTORS SINIMULAN NANG IPAMAHAGI NG MANILA LGU

SINIMULAN na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang pamamahagi ng P243.4 milyon na tulong pinansyal para sa PWDs, solo parents, at DSWD-listed senior citizens.

Ito’y matapos mabayaran at makumpleto ng Manila LGU ang mga obligasyon at pagkakautang matapos ang nagdaang administrasyon.

Ang PWDs na nakatatanggap ng P500 kada buwan ay makukukuha na ang July-August 2025 na tulong, nasa halos P56 milyon ang inilaan dito.

Ang solo parents naman na nakatatanggap din ng P500 kada buwan ay makukuha na nang buo ang kanilang financial assistance para sa buwan ng July-August 2025, na pinaglaanan ng higit P15 milyong pondo.

Ang nasa 28,364 na DSWD-listed senior citizens ay makukuha na rin ang allowance at nasa higit P170 milyong pondo ang inihanda ng Manila LGU.

Gaganapin ang distribusyon hanggang Disyembre 13 sa Rosauro Almario Elementary School, Florentino Torres High School, Brgy. 288 Multi-Purpose Hall, Dr. Alejandro Albert Elementary School, San Andres Sports Complex at Sta. Ana Elementary School.

(JOCELYN DOMENDEN)

76

Related posts

Leave a Comment