P241K SHABU NADISKUBRE SA ABANDONADONG MOTOR

TINATAYANG P241,400.00 halaga ng hinihinalang shabu ang nadiskubre sa isang abandonadong motorsiklo sa Dasmariñas City, Cavite noong Martes ng gabi.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag ang mga operatiba ng Station Tactical Operation Command ng Dasmariñas Component City Police Station mula sa isang concerned citizen, hinggil sa isang inabandonang puting motorsiklong Honda PCX sa Paliparan road, Barangay Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite bandang alas-8:55 ng gabi.

Nang beripikahin ang chassis ng nasabing motorsiklo, nalaman na wala itong legal na dokumento at nang buksan ang compartment nito ay nadiskubre ang 13 pirasong plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 35.5 gramo at may standard drug price na P241,400.00.

Ang hinihinalang shabu ay itinurn-over na sa Provincial Forensic Unit para sa laboratory examination at disposisyon.

(SIGFRED ADSUARA)

207

Related posts

Leave a Comment