ITO ang ginawang pagtiyak kahapon ni Bureau of Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio oras na magpositibo ang isinasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation sa napaulat na tangkang pagbebenta ng mahigit sa P270 milyong halaga ng smuggled cigarettes at hinihinalang may sangkot na taga-Aduana.
“If reports are confirmed that some of the agency’s personnel were involved in the discovery of attempted resale of P270 million worth of seized contraband cigarettes from Capas, Tarlac,” sabi ni Commissioner Rubio.
Nabatid na kasalukuyang sinisiyasat ng NBI ang posibleng pagkakasangkot ng ilang kawani ng BOC sa nadiskubreng pagbebenta ng bulto-bultong smuggled cigarettes na nakumpiska ng Aduana kasunod ng isinagawang buy-bust operation.
Ayon kay Rubio, mananagot ang mga opisyal na mapatutunayang sangkot sa tangkang resale ng tinatayang P270 milyong halaga ng smuggled cigarettes sa Capas, Tarlac.
“I already instructed the Intelligence Group’s Customs Intelligence and Investigation Service to look into this matter and report to me immediately. The NBI has our full cooperation and I promise that anyone found involved in this will be held accountable. Heads will roll,” ani Commissioner Rubio.
Pagtitiyak naman ng BOC, ang hakbang na ito ay isa lamang sa patunay na patuloy ang kanilang pagkontra sa smuggling at ilan pang ilegal na aktibidad na may kaugnayan dito.
“We are one with the NBI and thank them in the fight against cigarette smuggling.”
Samantala, noong nakaraang taon naman ay nasabat ng BOC ang mahigit sa P9.3 bilyong halaga ng ilegal na mga sigarilyo at electronic cigarettes o vapes. (JESSE KABEL RUIZ)
