CEBU – Nadakip ang isang lalaki na kabilang sa regional target list ng PDEA-PNP, matapos mahuli sa aktong pagbebenta ng umano’y shabu sa undercover agents sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA 7, katuwang ang PNP Drug Enforcement Group at Naval Forces Central, sa Sitio Buanan, Barangay Pung-ol Sibugay, Cebu City, nitong nakalipas na Linggo.
Kinilala ni PDEA 7 Regional Director Joel B. Plaza ang suspek na si alyas “Jokjok”, 30, magsasaka, at residente ng nabanggit na lugar.
Nakumpiska sa operasyon ang limang pakete ng umano’y shabu na may kabuuang bigat na 500 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P3.4 milyon.
Isinailalim na sa pagsusuri at tamang disposisyon sa PDEA 7 Regional Forensic Unit ang lahat ng nakumpiskang ebidensya.
Ang pagbebenta ng ipinagbabawal na droga, anoman ang dami at uri nito, ay may katumbas na pinakamabigat na parusang habambuhay na pagkabilanggo.
(JESSE RUIZ)
44
