UMABOT limang kilo ng umano’y shabu ang nakumpiska ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isinagawang anti-narcotic operation sa Caloocan City noong Linggo ng gabi.
Ayon sa PDEA RO-NCR-NPD, bukod sa nasamsam na ilegal na droga na nagkakahalaga ng P34 milyon, nadakip ang apat na hinihinalang big time drug dealers sa nasabing buy-bust operation.
Ayon sa ulat, matapos ang case build-up at intelligence operation laban sa high value targets, nagkasa ang PDEA RO-NCR ng dragnet operation, katuwang ang PDEA RO-NCR RSET2, NICA, at Northern Police District (NPD), sa Blk. 3, Lot 38, Abel St., Kingstown 2, Caloocan City bandang alas-10:50 ng gabi.
Nadakip sa nasabing operasyon sina alyas “Al”, 39; “Sammy”, 22, dalaga; “Amy”, 19; “Ferds”, 18-anyos.
Nasamsam ng mga awtoridad sa nasabing mga suspek ang limang yellow-gold foil packs na may tatak na “GUANYINWANG”, na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu na tumitimbang ng limang kilo.
Bukod dito, nakumpiska rin ng mga awtoridad ang non-drug evidence na kinabibilangan ng sasakyan na ginagamit sa illegal transaction, cellular phones, buy-bust money, at identification cards.
Pawang nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Art. II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JESSE KABEL RUIZ)
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)