P360-M AKAP FUNDS PAGPAPARTEHAN NG 36 CONGRESSIONAL DISTRICTS

MAKATATANGGAP ng tig-sampung milyong piso na Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) funds at family food packs ang 36 congressional district para sa kanilang mga constituent na naapektuhan ng Bagyong Crising.

Ayon kay Leyte Rep. Martin Romualdez, may kabuuang P360 million na halaga ng AKAP ang inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na tulungan ang mga biktima ng bagyo.

“This is just the beginning of our coordinated disaster response. Malayo pa ang mararating ng tulong na ito at hindi pa ito ang huli. Ang importante, agad nating naramdaman ang pagtulong ng administrasyong Marcos,” ani Romualdez.

Halos lahat ng mga congressional district na ito ay mula sa Metro Manila tulad ng distrito nina Reps. Bienvenido Abante Jr., Tobias “Toby” Tiangco, Dennis “Alden” Almario, Dean Asistio, Arjo Atayde, Jorge Daniel Bocobo, Antonino Calixto, Joel Chua, Ma. Victoria Co-Pilar, Ricardo Cruz Jr., Ernesto Dionisio Jr., Edgar Erice, Jaime Fresnedi, Gerald Galang, Kenneth Gatchalian, Alexandria Gonzales, Monique Lagdameo, Giselle Maceda, Oscar Malapitan, Eric Olivarez at Antolin “Lenlen” Oreta III.

Kabilang din dito ang mga distrito nina Reps. Franz Pumaren, Romero “Miro” Quimbo, Roman Romulo, Mark Anthony Santos, Jesus “Bong” Suntay, Marcy Teodoro, Irwin Tieng, Ralph Wendel Tulfo, Rolando Valeriano, Patrick Michael “PM” Vargas, Brian Raymund Yamsuan, Ysabel Maria Zamora, Gil Acosta, Jose Alvarez at Rosalie Salvame.

Bukod sa AKAP ay makatatanggap umano ang mga biktima ng food packs na sinimulang ipamudmod kahapon ng Tingog party-list na kinakatawan ng anak at asawa ni Romualdez na sina Andrew Julian at Yedda Romualdez.

Bago ang eleksyon noong Mayo 2025, kabilang ang AKAP sa mga ipinamudmod sa mga botante na ayon sa mga kritiko ng administrasyon ay ipinambili ng boto at isiningit lamang sa 2025 national budget. (BERNARD TAGUINOD)

25

Related posts

Leave a Comment