P4.9-M KETAMINE NASABAT NG PDEA

TINATAYANG 984 gramo ng hinihinalang ketamine ang nasabat sa interdiction operation sa pangunguna ng PDEA Seaport Interdiction Unit – Port of Manila, kasama ang Bureau of Customs Anti-Illegal Drugs Task Force, sa Surface Mail Exchange Department (SMED) ng Philippine Postal Corporation sa 2nd Bonifacio Drive, Port Area Manila noong Lunes, Abril 4.

Ang nasabing operasyon na isinagawa dakong alas-9:20 ng umaga, ay nagresulta sa pagkakadiskubre sa abandonadong parcel na naglalaman ng white powdery substance na hinihinalang ketamine na P4,920,000 ang halaga.

Ayon sa ulat na isinumite ng PDEA RO NCR, ang abandonadong inbound parcel na mula Hamburg Germany, ay idineklara bilang confectionery.

Ang shipper at receiver na sangkot sa insidente ay iimbestigahan at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Ang drug evidence ay isusumite sa PDEA Laboratory Service para sa laboratory examination.

(DANNY QUERUBIN)

39

Related posts

Leave a Comment