P405.6-B BUDGET NG BAYANIHAN 3 NAKABITIN

PAIIRALIN ng mababang kapulungan ng Kongreso ang kasabihang “Kapag maikli ang kumot, matutong mamaluktot” sa Bayanihan 3.

Ito ang nabatid kay Bataan Rep. Jose Enrique Garcia III sa isang panayam kahapon kaugnay ng nasabing panukala na ipinasa pa rin kahit wala pang kasiguraduhan kung saan kukunin ang P405.6 billion na pondo nito.

“We will have to adjust.  kung ano ang available na pondo, we will have to adjust,’ ayon sa mambabatas na vice chairman din ng House committee on approprations.

Magugunita noong nakaraang linggo ay ipinasa na sa nasabing komite ang panukala kahit hindi nagbigay ng sertipikasyon ang Bureau of Treasury na may pagkukunan ng nasabing halaga.

Ibabalik sa mother committee  o sa House committee on economic affairs at social service ang nasabing panukala para sa pinal na pag-apruba ngayong araw subalit umaasa umano ang mga kongresista na maibibigay na ng nasabing ahensya ang certification kahit magkano na lamang.

Ipinaliwanag ni Garcia na hanggang phase 3 ang Bayanihan 3 ngunit posibleng phase 1 lamang ang maisulong depende sa halagang sesertipikahan ng Bureau of Treasury.

Gayunpaman, kailangang iprayoridad umano ang ayuda sa bawat mamamayan anomang halaga ang ginagarantiyahan ng executive department dahil ito umano ang pangunahing layon ng panukala.

Sa ilalim ng Bayanihan 3, bibigyan ng tig-P1,000 ang bawat Filipino sa Phase 1 at panibagong P1,000 sa Phase 2 kaya P216 billion sa proposed budget na P405.6 billion ay ilalaan sa ayuda.

Isa sa mga iminungkahi ng Kongreso na pagkukunan ng pondo ang dividend ng mga Government Owned and Controlled Corporation (GOCC) dahil hindi pumayag ang Department of Budget and Management (DBM) na gamitin ang budget ng mga ahensya ngayong taon.

Kabilang din sa pagkukunan umano ng pondo ay buwis ng Philippine Offshore and Gaming Operator (POGO) at electronic Sabong. (BERNARD TAGUINOD)

148

Related posts

Leave a Comment