P50K SMUGGLED YOSI NASAMSAM SA CAVITE

CAVITE – Tinatayang P50,000 halaga ng puslit na mga sigarilyo ang nasamsam makaraang naaresto ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Silang noong Huwebes ng gabi.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 110845 o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 ang suspek na si alyas “Angelo”.

Ayon sa ulat, bandang alas-5:15 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Regional Intelligence Division (RID) Special Team 4A at Silang Municipal Police Station sa Brgy. San Miguel 2, Silang, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto kay Angelo.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang rim ng ipinuslit na Carnival Red Cigarettes; 86 pakete ng D and J cigarettes; 8 rims ng Champion cigarettes; 4 rims ng Lando’s cigarettes; 21 rims carnival cigarettes; 32 rims ng RGD cigarettes; at 14 rims ng D and J cigarettes na nagkakahalaga ng P50,000. (SIGFRED ADSUARA)

14

Related posts

Leave a Comment