Dahil sa pinalakas na koordinasyon sa pagitan ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Davao, Davao International Airport (DIA), BOC – Ninoy Aquino International Airport (NAIA), PNP Aviation Security Group at Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region XI ay nasabat ang anim (6) na boxes ng Agarwood na may halagang 62 milyong pisong noong nakaraang Disyembre 24, 2020.
Ito ay isang uri ng kahoy na kasama sa National List of Threatened Philippine Plants per DENR Administrative Order No. 2007-01.
Ang packages ay idineklara na naglalaman ng “woodcrafts” na patungo sana sa Vietnam via NAIA.
Subalit, matapos ang x-ray scanning at physical inspection, ay naging positibo para sa misdeclaration bilang 73 kilograms ng Agarwood chips na nakatakda sanang ipuslit sa Pilipinas para dalhin sa ibang bansa na walang kaukulang mga dokumento.
Ang Agarwood ay isang mamamahaling kahoy na sangkap ng paggawa ng pabango at iba pang mamahaling produkto.
Ang nasabat na packages ay isinailalim sa seizure and forfeiture proceedings para sa Section 117 (Regulated Shipments), Section 1400 (Misdeclaration) and Section 1113 (Property Subject to Seizure and Forfeiture), lahat ng Republic Act No. 10863 (CMTA) na may kaugnayan sa Section 27 (i) [Illegal Transport] of Republic Act No. 9147 (Wild Life Act), at i-tinurn over sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Kaugnay nito, ang Port ay patuloy sa kanilang pagmo-monitor sa katulad na klase ng shipments sa pamumuno ni BOC Davao’s District Collector, Atty. Erastus Sandino Austria.
Ito ay sa pamamagitan din ng mas pinalakas na koordinasyon sa BOC-NAIA, sa pamumuno naman ni District Collector, Carmelita Talusan at ang Port’s partner enforcement agencies, lahat para tiyakin na ang hangganan mahusay na protektahan mula sa maaaring illegal exports ng endangered trees.
Ito rin ay nakalinya sa direktiba ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero na wakasan ang smuggling sa bansa. (Joel O. Amongo)
187
