P75-M SIGARILYO, WINASAK NG BOC – CDO

WINASAK ng Bureau of Customs – Port of Caga­yan de Oro (BOC-CDO) ang mga sigarilyong P75 mil­yon ang kabuuang halaga.

Isinagawa ang pagwasak noong Hunyo 14 sa loob ng pasilidad ng Terra Cycliq Corporation sa Brgy. Mantibugao, Manolo Fortich sa Bukidnon.

Idineklara ng Port of CDO na smuggled ang mga sigarilyong iba’t iba ang tatak.

Batay sa rekord ng BOC-CDO, naka-consign sa Sixty Nine Enterpri­ses ang mga sigarilyong dumating sa Mindanao Container Terminal sa Tagoloan, Misamis Oriental noong Enero 11 ng taong kasalukuyan.

Ang unang deklarasyon ay kitchenware ang nilalaman ng tatlong container, ngunit lumitaw sa pagsisiyasat na 135,700 reams ng iba’t ibang tatak ng sigarilyo ang ipapadala sa Sixty Nine Enterprises.

Ang pagwasak sa mil­yun-milyong halaga ng mga sigarilyo ay pinangu­nahan ng mga opisyal ng BOC na sina Deputy Collector for Operations-Mindanao International Con­tainer Terminal, Atty. Noe Espenilla; Deputy Collector for Operations-Port of Cagayan de Oro, Elizabeth Delas Llagas at CIIS Chief CDO Field Station Oliver Valiente.

Idiniin ng BOC-CDO na bahagi ng kampanya ng BOC ang pagwasak sa mga smuggled product, alinsunod sa direktiba ni Commissioner Rey Leo­nardo Guerrero.

459

Related posts

Leave a Comment