NAHAGIP na ang jackpot prize ng MegaLotto 6/45 matapos mahulaan ng maswerteng mananaya ang winning combination, ayon kay PCSO General Manager at Vice-Chairperson Melquiades “Mel” Robles.
Ang swerteng ticket ay nabili sa Lucky Circle Corporation sa SM Cubao Department Store, Araneta Center, Quezon City. Nahulaan nito ang kombinasyon na 29-22-25-37-41-34, na nagbigay sa may-ari ng premyong P84,182,510.00. Samantala, 18 indibidwal ang nakakuha ng limang kombinasyon at tig-P32,000 bawat isa.
Binobola ang MegaLotto 6/45 tuwing Lunes, Miyerkoles, at Biyernes. Hindi naman nahulaan ang kasabay na draw ng GrandLotto 6/55, na may winning combination na 24-42-33-19-06-20 at premyong P152,234,211.80.
(TOTO NABAJA)
2
