Paalala ni Go sa DOH HEALTH CARE SYSTEM BANTAYAN VS PAGBAGSAK

HINILING ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa Department of Health (DOH) na mahigpit na bantayan ang healthcare system ng bansa upang maiwasan itong bumagsak sa gitna ng dumadaming kaso ng COVID-19.

Sa pahayag, sinabi ni Go na dapat mayroon pang mga bakanteng ospital para sa severe at critical cases ng sakit.

Ayon kay Go, ayaw niyang mangyari na walang matakbuhan ang mga naghihingalo at namamatay sa emergency room dahil wala nang hospital beds para sa kanila.

Inihayag pa ni Go na anuman ang maging  desisyon ng IATF hinggil sa quarantine status sa Metro Manila at ilang lugar sa bansa na mataas ang COVID-19 cases, tiyak aniya na pinag-aralan itong mabuti.

Tiniyak naman ni Go na suportado niya anuman ang desisyon ng IATF basta makakatulong ito sa  pagbaba ng  kaso ng COVID-19

Ipinaalala naman ni Go sa gobyerno na tiyaking bilisan ang pamamahagi ng tulong  sa NCR-plus  para walang magutom habang pinaghahanda din niya ng  food pack ang  Department of Social Welfare and Development lalo na sa mga lugar na may lockdown.

Samantala, aminado si Go na  mahirap sa ngayon na gawing mandatory ang pagbabakuna sa mamamayan laban sa COVID-19.

Ipinaliwanag ni Go na nasa panahon pa ngayon ng pag-develop ng vaccine sa bagong sakit na COVID-19 kaya hindi maiwasan ang agam-agam ng mamamayan sa  bakuna

Kaugnay nito, sinabi ni Go na dapat unahin muna na ipaintindi at  ipaliwanag sa taumbayan ang kahalagahan ng bakuna upang makamit ang herd immunity at maiwasan ang pagkalat ng  sakit.

Giit ni Go, dapat pag-aralan munang mabuti  dahil hindi talaga maaaring obligahin ang taumbayan sa pagpapabakuna.

Muli namang ipinaalala ni Go na tanging ang bakuna lang ang paraan para unti-unting makabalik sa normal ang buhay ng mga tao.

Sa  kabilang dako, tiniyak naman ni Go  na marami pang  Malasakit Center ang bubuksan sa buong bansa sa susunod na panahon.

Sinabi ni Go na basta makasunod sa criteria ng Malasakit Center Act ang mga ospital sa ilalim ng  Department of Health at provincial hospital ay maaaring magkaroon ng  Malasakit Center dito.

Ayon kay Go, tuloy-tuloy ang pagpapalawak  ng Malasakit Center upang may mas malapit at mas mabilis na malalapitan ang mamamayan

Pinangunahan ni Go ang launching ng Malasakit Center  sa Carcar City,  Cebu kung saan ito na ang  ika-103 sa buong bansa.

Hinimok ni Go ang mga mamamayan na huwag magdalawang-isip na lumapit sa mga Malasakit Center lalo na ang mahihirap na pasyente. (ESTONG REYES)

167

Related posts

Leave a Comment