Paawa hindi umubra NOTORYUS NA SHOPLIFTER KALABOSO

HINDI umubra ang paawa epek ng isang notorious na shoplifter sa grocery store sa Bgy. Bayanan, Muntinlupa City nang tuluyang arestuhin ng mga empleyado nitong Lunes ng alas-5:35 ng hapon.

Inaresto ang suspek na si Jon-Jon Layacan, dating construction worker, ng mga officer in charge na sina Queennie Gem Alamar at Jackelyn Baladjay ng Rebeccas Grocery sa No. 254 National Road Brgy. Bayanan, makaraang magtangkang magpuslit ng 30 piraso ng kape na may presyong P305 at 18 piraso ng papaya sopa na may presyong P324.00.

Nang tanungin umano nina Alamar at Baladjay bakit nag-shoplift si Layacan, ikinatwiran nito na wala siyang pera dahil natigil sa trabaho sa construction.

Sa kabila ng pagpapaawa ni Lacayan ay ipinahuli pa rin siya sa mga tauhan ng Criminal Investigation Unit ng Muntinlupa City na sina PEMS Jennifer C Gloria, PSSg John Lorimer Amodia, PSSg Trefilo Tingal, PCpl Mark Anthony Roque, PCpl Glenn Wilson Aguilera at PCpl Stephen Natan.

“Ang dami hong nagsa-shoplift, lagi dito yan (Lacayan), pag hindi hinuli uulit-ulit..Kawawa rin ho may-ari ng Rebeccas,” sabi ni Miss Alemar sa panayam ng SAKSI Ngayon. (DAVE MEDINA)

243

Related posts

Leave a Comment