PACQUIAO CHAMPION PA RIN SA PUSO NG PINOY

BAGAMA’T nauwi sa draw ang kanyang laban kay Mario Barrios, panalo pa rin sa puso ng sambayanang Pilipino si Pambansang Kamao at dating senador Manny Pacquiao, ayon sa liderato ng Kamara.

“Victory isn’t always measured by the belt—but by the courage to keep fighting,” ani dating House Speaker Martin Romualdez.

Sa edad na 46, muling tumuntong sa lonang parisukat si Pacquiao kahapon, Sabado sa Amerika, kung saan hinarap nito ang 30-anyos na American fighter.

Sa kabila ng kanyang edad, naitabla ng dating 8 division champion na si Pacquiao ang laban na dito pa lamang ay indikasyon, ayon kay Romualdez na panalo na ang Pambansang Kamao.

“Manny showed the heart of a true champion: fearless, relentless, and full of pride for his country. Sa bawat suntok, dala niya ang pangalan ng Pilipinas. Sa bawat galaw, tagos ang determinasyon ng isang Pilipinong hindi sumusuko,” ayon pa kay Romualdez.

“A draw may not be the ending we hoped for, but it was a performance that reminded the world who Manny Pacquiao is—and who we are as a people: matatag, palaban, at may dangal,” dagdag pa ng dating lider ng Kamara.

Pinasalamatan din nito si Pacquiano dahil muli nitong iwinagayway ang bandila ng Pilipinas sa global state at patuloy na inspirasyon ng maraming Pilipino.

Si Pacquiao ay bigong makabalik sa Senado noong nakaraang eleksyon matapos makakuha lamang ng 10,360,733 at pumuwesto sa ika-18 sa senatorial race.

(BERNARD TAGUINOD)

38

Related posts

Leave a Comment