Pacquiao sa pagsasara ng ABS-CBN WALANG KINALAMAN SA PRESS FREEDOM

HINDI naniniwala si Senador Manny Pacquiao na may kinalaman sa press freedom ang pagsasara ng ABS-CBN, ngunit hindi lamang ito napapanahon at masyadong divisive sa panahon na kailangan ng pagkakaisa laban sa nakamamatay na corona virus 2019 (COVID-19).

Sa pahayag, sinabi ni Pacquiao na hindi naman binubusalan ng Duterte government ang press freedom sa desisyon ng National Telecommunications Commission (NTC) dahil legal naman ang pagkilos ng ahensiya.

“Hindi po ako naniniwala na ang desisyon ng NTC ay may kinalaman sa press freedom dahil may pinagbabatayan namang batas. Yun nga lang, hindi maganda ang timing ng implementasyon nito dahil tayo ay nasa kalagitnaan ngayon ng giyera laban sa COVID-19 virus,” ayon kay Pacquiao.

Ayon sa pambansang kamao, gutom ang mamamayan sa impormasyon sa ngayon dahil nasa loob lamang sila ng kanilang tahanan habang naghihintay sa isinasagawang giyera ng pamahalaan na mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Dapat aniya, diringgin ng NTC ang panawagan na mag-isyu ng provisional authority to operate na ipinangako sa isinagawang congressional inquiry habang tinatalakay ang prangkisa ng TV network.

Ibinasura naman ni Pacquiao ang alegasyon na lantarang sinusupil ang press freedom sa desisyon ng NTC. “Shutting down ABS-CBN for what the government views as valid reason is not suppressing press freedom.”

“The NTC only acted “by the book” whereas it could have made some adjustments without committing any violation of the law,” giit niya. ESTONG REYES

149

Related posts

Leave a Comment