KAYA pala hanggang ngayon ay marami pa rin ang hindi nakatatanggap ng social amelioration program (SAP) ng pamahalaan ay dahil may natitira pang sampung bilyong piso (P10-B) sa opisina ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
At ang matindi pa nito ay mukhang wala nang balak ang DSWD na ipamahagi ito sa mga benepisyaryo.
Kamakailan ay nagsalita si Irene Dumlao, spokesperson ng DSWD na hindi na raw nila ipamamahagi ang natitira pang SAP fund. Iko-convert na lang daw nila ito bilang livelihood funds. Naku Madam Irene, mali yang sinabi mo!
Ang pera na yan ay nakalaan para ipamigay sa mga mahihirap na pamilyang Pinoy na naapektuhan ng pandemya. Pambili sana nila ng pagkain yan habang patuloy na nananalasa sa bansa ang Covid-19.
At hindi naman basta inilabas yan na walang kaakibat na batas. Siguro alam mo naman ang nilalaman ng “Bayanihan to Heal as One Act” (Republic Act No. 11469).
Ang pagkakaalam ng PUNA ay bahagi yan ng 199.975 bilyong piso na inilabas ng Department of Budget Management (DBM) para sa SAP subsidy.
Unang tututol sa inyong gagawin ay ang mga mambabatas na gumawa ng “Bayanihan to Heal as One Act” (Republic Act No. 11469).
Paalala lang Madam Irene, nakapaloob sa batas na ito sa “Section 6. Penalties – In addition to acts or omissions already penalized by existing laws, the following offenses shall be punishable with imprisonment of two (2) months or a fine of not less than Ten Thousand Pesos (P10,000.00) but not more than One Million Pesos (P1,000,000.00), or both, such imprisonment and fine, at the discretion of the court.”
Ang anumang pondo na mula sa isang batas ay hindi maaaring i-convert nang kung sinu-sinong lang opisyal ng gobyerno.
Maliban lang kung aamyendahan ang ginawang batas na nakasasakop sa pinag-uusapang pondo (Bayanihan to Heal as One Act No. 11469).
Hindi lang yan madam sinisira ninyo ang programa ni Pangulong Rodrigo Duterte para makatulong sa labing walong milyong (18M) mahihirap na pamilya.
‘Wag po sana kayong magpadalos-dalos ng pananalita at hakbang dahil maraming nakaabang sa ayuda na yan. Marami ang nagugutom ngayon na nawalan ng trabaho kaya kung anong nakalagay sa batas ay sundin nyo ‘wag po kayong magdesisyon ng sarili nyo.
Ang trabaho nyo ay ipamigay ang pondo nang naaayon sa batas. Nakikita nyo naman hanggang ngayon ay marami ang namamalimos na mga driver dahil wala na silang makakain.
Marami rin ang nakarating na reklamo sa PUNA na hanggang ngayon ay hindi pa sila nakatanggap ng 2nd tranche. ‘Wag na sana kayong dumagdag sa problema ni Pangulong Duterte dahil mahigit anim na buwan siyang nai-stress sa Covid-19. Mas makabubuti na lang siguro sundin nyo na lang ang nakalagay sa Bayanihan Act.
Una pa lang nang implementasyon ng SAP subsidy ay marami na ang reklamo laban sa DSWD, ‘wag nyo na pong dagdagan ito.
Marami kasing mga rekomendasyon ng listahan ng kanilang mga kababayan mula sa mga Local Government Unit (LGUs) ang hindi sinunod ng DSWD.
Maraming problema ang lumutang sa usapin ng SAP subsidy na ito kaya sa susunod tambak na kaso ang lulutang laban sa mga gumawa ng kalokohan gamit ang pondong ito.
Abangan na lang natin kung itutuloy ng DSWD ang kanilang planong pag-convert ng P10B SAP fund sa livelihood.
oOo
Congrats! nga pala sa ating kaibigan si Mr. Renan Lopez, Executive ng Pinoy Extreme. Bahagi na sila ng kampanya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa paglaban sa illegal drugs.
Nagkaroon sila ng pirmahan ng Memorandum of Agreement (MOA) ni PDEA Director General Wilkins Villanueva para sa pagsusumikap at makabuluhang pagtutulungan sa pagitan ng
Government at Non-Government institution na kung saan ay nakalagay sa RA 7160 “ROLE AND PARTNERSHIP OF NGO AND GOVERNMENT PROMOTING EACH ADVOCACIES AND PROGRAM.
Mabuhay kayong dalawa mga sir! Good Luck!
oOo
Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email joel2amongo@yahoo.com at operarioj45@gmail.com.
149 