NAPAKALAKI ng papel na ginagampanan ng Office of the Ombudsman at Sandiganbayan laban sa mga tiwali, korap at mandarambong na mga opisyal at kawani ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.
Kahit, negosyante at pribadong mamamayan ay puwede ring ireklamo sa Ombudsman kung ang perang kinurakot ay pera ng pamahalaan, o ang tinatawag nating “public funds.”
Kung matibay, malakas at supisiyente ang mga katibayan laban sa negosyante ay isasampa ito sa Sandiganbayan upang litisin ang kasong katiwalian at korapsyon, o pandarambong (plunder)
tulad ng kinakaharap ng negosyanteng si Janet Lim Napoles na P10 bilyon ang halaga ng pera ng pamahalaan ang sangkot.
Hindi pa tapos ang paglilitis sa kasong ‘yan.
Ang pangulo pa natin sa panahong ‘yan ay si Benigno Simeon “Noynoy” Cojuangco Aquino III.
Sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang malaking kaso na naisampa ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ay ang mga kasong pandarambong laban kina dating Bureau of Immigration (BI) Deputy Commissioners Al Argosino at Michael Robles patungkol sa pagtanggap ng P50 milyong suhol mula sa kampo ng dayuhang gambling lord.
Kasama sa kaso ang retiradong police colonel na si Wally Sombero.
Si Sombero ang napabalitang nagbigay ng P50 milyon kina Argosino at Robles.
Ang mga kaso laban sa tatlo ay isinampa ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan noong Marso 2018.
Mula noon ay nakakulong sila sa bilangguan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Camp Bagong Diwa sa Lungsod ng Taguig habang hindi pa tapos ang paglilitis ng
Sandiganbayan sa kanilang mga kaso.
Ang Ombudsman sa panahong ‘yan ay si Conchita Carpio – Morales.
Natapos ang panunungkulan ni Morales noong Hulyo 26, 2018.
Ang ipinalit ni Duterte kay Morales noong Agosto 6, 2018 ay si Samuel Martires.
Nagbitiw si Martires mula sa Korte Suprema dahil mas pinili nitong maging Ombudsman.
Sa panahon ni Matires, maraming napabalitang mga opisyal ng pamahalaan na inihabla sa Office of the Ombudsman.
Isa na ang tungkol sa tinatawag nating “narco-politicians” na walang dudang napakainit na kaso.
Ang narco-politicians ay ang mga politikong sangkot sa ilegal na droga.
Noong Marso 14, 2019 ay naghain ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng kasong administratibo laban sa “46 narco-politicians” sa Office of the Ombudsman.
Narito ang bahagi ng press release ng DILG hinggil sa isyung ito na inilabas ng huli sa media noong Marso 14, 2019.Pakibasa po.
“Acting upon orders of President Rodrigo Duterte, the Department of the Interior and Local Government (DILG) today filed complaints before the Office of the Ombudsman against 46 incumbent government officials for their alleged involvement in illegal drug trade and activities.
DILG Secretary Eduardo M. Año said the initial list of “narco pols” facing charges before the Ombudsman were provided by the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). The initial list released to the public by the President includes 35 mayors, seven (7) vice-mayors, one (1) provincial board member, and three (3) members of the House of Representatives.
He said the 46 “narco pols” are facing administrative charges of grave misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service, conduct unbecoming of a public officer, and gross neglect of duty.
According to the DILG Chief, the involvement of the respondents to illegal drugs was evaluated and judiciously validated by the Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) chaired by
PDEA in coordination with the Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), among others.”
Ngayong araw ay Setyembre 25, 2020 na.
Ano kaya ang naging desisyon ni Ombudsman Martires laban sa 46 na opisyal kung saan tatlong kongresista ang kasama?
Napakahalaga ng kasong ito sapagkat may kinalaman ito sa ilegal na droga na alam naman nating lahat na nangunguna sa adyenda ni Duterte.
Katunayan, nagsagawa pa ng press briefing mismong si Duterte laban sa 46 narco-politicians.
262