Pag-eksena ni ‘Bato’ barado SUBSTITUTION IBABASURA SA KAMARA

(BERNARD TAGUINOD)

HINDI na uubra sa mga susunod na halalan ang substitution ng mga kandidato tulad ng nangyari kay Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 elections.

Sa pamamagitan ito ng pag-amyenda sa election law na isinusulong ngayon sa Kamara.

Bukod dito, nais ibalik ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez na kapag naghain na ng kanilang certificate of candidacy (COC) ang mga kandidato, halal man o miyembro ng Cabinet ay otomatikong resign na sa kanilang puwesto.

“One reform I am proposing is an almost absolute ban on substitution of candidates by political parties. Another is the restoration of the old rule requiring incumbent officials to resign or to be deemed automatically resigned upon the filing of their certificates of candidacy (COCs) for other positions,” ani Rodriguez.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil sa nakaraang COC filings, may mga kandidato ang nahain ng kanilang kandidatura subalit hinihinalang isa-substitute din sila ng kanilang kapartido bago matapos ang substitution date sa November 15.

Hindi na nagbanggit ng pangalan ang mambabatas subalit kabilang sa mga naghain ng COC para sa presidential race si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na aminadong handang magpa-substitute sa anak ng pangulo na si Mayor Inday Sara. Umaani ngayon ng batikos at pangungutya ang senador dahil sa tila hindi seryosong pagtakbo sa nasabing posisyon.

“It is lamentable that for the May 2022 elections, certain candidates for the presidency are perceived to be proxies for some personalities, even if they can be considered as serious aspirants,” ani Rodriguez.

Dahil dito, sinabi ng mambabatas na maraming tao ang hindi naniniwala na seryoso at kwalipikado ang ilang naghain ng COC dahil maaari silang palitan ng ibang kandidato sa loob ng kanilang partido.

Papayagan lamang aniya ang substitution sa panukala ng mambabatas kapag namatay ang kandidato na naghain ng COC subalit kung buhay ito hanggang sa araw ng eleksyon ay hindi dapat i-substitute.

Kailangan din aniyang ibalik ang dating sistema na mag-resign muna sa puwesto ang isang aspirante bago ito maghain ng kanyang COC sa anomang posisyon sa gobyerno.

“A candidate would not agree to be a proxy for a dawdling, wavering or indecisive aspirant if he would have to give up his office. The resignation requirement would apply to all levels, national or local, whether aiming for higher or lower positions,” dagdag pa ng solon.

Base sa katatapos na COC filing sa Commission on Elections (Comelec), maraming naghain na cabinet officials at incumbent senators tulad ni Dela Rosa ang hindi nag-resign sa kanilang puwesto.

Hindi na ito mangyayari kapag nagtagumpay si Rodriguez na maamyendahan ang Election law dahil sa ayaw at sa gusto ng mga ito ay kailangang mag-resign muna sila bago tumarget ng mas mataas na puwesto.

“It would prevent them from using their offices, public funds and their influence to promote their candidacies. These would also make more people believe in the integrity of our elections,” dagdag pa ng mambabatas.

174

Related posts

Leave a Comment