PAG-IBIG FUND ‘DI RAW NALULUGI

RAPIDO ni PATRICK TULFO

SINAGOT ng PAGIBIG ang naisulat ko noong nakaraang linggo kung saan naibahagi sa akin ng aking source, na naglaan ng nasa P6 bilyon ang ahensya sa isang naluluging construction firm.

Ayon sa pahayag na inilabas ni PAG-IBIG Fund Chief Exec. Officer Marilene Acosta, umaabot nga raw sa mahigit na P4-B ang kita ng ahensya sa kalahati pa lang ng taon at dahil dito ay umabot na nga raw sa P1.14 trillion ang total asset nito.

Mabuti kung ganoong kumikita sila, dahil ano pa ginagawa nila riyan kung nalulugi naman sila.

Ang aking naisulat naman ay ang paglagak ng pondo nito sa isang construction firm na hindi umano dumaan at hindi aprubado ng Board of Directors.

Katulad ng nangyari sa pagkakatanggal ni dating OWWA Chief Arnel Ignacio, hindi rin daw aprubado ng ilang opisyal ng ahensya ang paglaan nila ng pera ng bayan.

Ang tanong nga sa akin ng aking source, sinu-sino kaya sir, ang mga kumita rito? Sagot ko lang sa kanya ay tanong din, makapaglalagak ba ng pondo kung ‘di inaprubahan ng hepe nito?

81

Related posts

Leave a Comment