PINAALALAHANAN ni ACT-CIS Nominee Edvic Yap ang publiko na lalong mag-ingat sa COVID-19 ngayong nasa Alert Level 2 na ang halos lahat ng lugar sa bansa.
“Napansin ko na nagiging relax ang lahat pag lumabas ng bahay na parang wala nang COVID,” ayon kay Yap.
Dagdag pa niya, “wala na ang social distancing at paggamit ng alcohol o paghugas ng kamay pag nasa labas ang mga tao.”
“Hindi porke’t nabakunahan na tayo ay hindi na tayo tatablan ng COVID, mali po yun,” aniya pa.
“Ang bakuna kasi ay proteksiyon natin para hindi tayo mamatay o maging malubha pag tinamaan tayo ng COVID. Pero perwisyo pa rin ito pag nahawa tayo na mga nabakunahan na,” pahabol ni Yap.
Ang National Capital Region at iba pang bahagi ng bansa ay mananatili sa ilalim ng Alert Level 2 epektibo Nobyembre 15, 2021 hanggang Nobyembre 30, 2021.
175
