NAPAPANAHON na nga siguro para ang gobyerno na ang humawak sa mga telephone company sa bansa gaya ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang State of the Nation Address o (SONA) dahil sa palpak na mga serbisyo ng mga telephone company sa bansa.
Ilang taon na nga bang puro pangako ang ginagawa ng mga kumpanyang ito kesyo mas palalakasin ang kanilang mga internet connection na hanggang ngayon ay walang katuparan, sabagay may kasabihan nga sa kalsada at sa mga barbershop na nagbukas na rin, na “nangako na nga eh gusto ninyo pang tuparin pa” ay mga 1522@&%£€@$& ninyo!!!
Alam nyo po ba na base sa pag-aaral ay nangunguna ang Pilipinas sa buong mundo sa pagamit ng text messages at kung susumahin po natin, yan pong mga txt messages na yan ay mayroong katumbas na kabayaran sa TELCOS!?
Pagkatapos ang ibinibigay nilang serbisyo sa publiko ay walang kakuwenta-kuwenta at puro lamang pangako!?
Go Go Go Mr. President huwag na po ninyong paabutin pa ng Christmas season. Masyado na ang ginagawang pang-aabuso ng mga yan sa mga Pilipino.
Ito nga palang mga taga-Commission on Human Rights (CHR) na puro kiyaw-kiyaw na walang tanging sinisilip kundi ang gobyerno, ito at tumirada na naman sila kung saan inaakusahan ng mga ito na ang Departement of justice (DOJ) at Bureau of Correction (BuCor) daw ay itinatago ang tunay na situwasyon sa New Bilibid Prison at hindi raw naging cooperative sa kanilang ginagawang imbestigasyon patungkol sa mga high profile inmates na nasawi dahil sa coronavirus disease 2019?
Kayo talaga mga taga-CHR kung tunay na itinatago ng DOJ ang mga pangyayari sa loob ng BuCor eh disin sanay di na nagpaimbestiga pa sa National Bureau of Investigation (NBI) si Secretary of
Justice Menardo Guevarra kung nais nitong pagtakpan ang BuCor.
Puro kayo paratang ha? Commission on Human Rights!!?
Hindi pa ba cooperative niyan ang DOJ eh yung ipinadala ninyong request para sa BuCor eh naaksyunan naman nila kaagad at naipadala na pala sa inyo.
Yan ay ayon kay DOJ Undersecretary Deo Marco.
Sobra kayong magparatang sa DOJ na hindi cooperative, alamin nyo muna bago kayo magdada dakdak!!!
Itong CHR, maihahambing mo rin sa mga grupong walang kasiyahan, na wala na lamang ginawa kundi rally rito rally roon at kahit yata si Kristo pa ang mamuno sa bansa natin mayroon pa rin silang disgusto.
Hindi ba puwedeng maging mapayapa na lang tayo na sa halip puro puna ay magtulungan na lang para sa minamahal nating bayan?!!
