‘Pag tumanggi sa COVID-19 positive PUNERARYA PARURUSAHAN

MANANAGOT ang mga punerarya sa Maynila na tatangging magbigay ng serbisyo sa mga namatay na pasyenteng nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID19).

Sa nilagdaan ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na Ordinance 8628, nakasaad na papatawan ng parusa ang mga puneraryang tatanggi na magserbisyo sa namatay na COVID 19 patients.

Bukod dito, parurusahan din ang mag-overprice sa mga kabaong, mag-overcharge sa cremation at burial services.

“All funeral homes or funeral service facilities operating in the City of Manila are mandated to provide logistical and transportation support to deceased COVID-19 patients whether positive or probable,” nakasaad sa ordinansa.

Sa unang paglabag, susupindehin ang business permit ng punerarya at sa ikalawang pagkakataon ay tuluyan nang kakanselahin ang business permit nito.

Ang nabanggit na ordinansa ay pinagtibay bilang tugon sa ipinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon ni Pangulong Rodrigo Duterte. (RENE CRISOSTOMO)

182

Related posts

Leave a Comment