PAG-VETO SA IBA PANG PANUKALA, IIWASAN NG 19TH CONGRESS

SISIKAPIN ng liderato ng 19th Congress na maiwasan ang pag-veto pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga susunod nilang aaprubahang panukalang batas.

Ito ang ipinangako ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa gitna ng pagsusulong ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting para talakayin ang mga priority bills ng administrasyon.

Sinabi ni Zubiri na nakausap na niya sina Executive Secretary Vic Rodriguez at Special Assistant to the President Anton Lagdameo para sa pulong at kapwa nangako na itatakda ito sa lalong madaling panahon.

Bukod dito, inihayag ng lider ng Senado na kinumpirma sa kanya ng dalawang kalihim na mayroon nang shortlist para sa itatalagang Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) Secretary.

Kasama sa listahan si dating House Secretary General Mark Mendoza na para kay Zubiri ay good choice dahil dati itong mambabatas.

“We acknowledge that the Veto power is a prerogative of the President but it puts a unnecessary strain on the relationship between Legislators and the Executive. This should be avoided,” pahayag ni Zubiri. (DANG SAMSON-GARCIA)

221

Related posts

Leave a Comment