MAGSISIMULA na ang pagbabakuna sa general population sa darating na Oktubre.
Ito ay matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Sa kanyang virtual press briefing, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, na ito’y sang-ayon na rin sa payo ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa Chief Executive.
Bukod dito, magsisimula na rin aniya ang pagbabakuna sa mga kabataan.
Kaya, hinihikayat ng gobyerno ang mga magulang na iparehistro ang kanilang mga anak bilang paghahanda sa pagsisimula ng pagbabakuna sa mga ito.
“Inaasahan natin na magsisimula rin tayo sa buwan ng Oktubre. Aprubado na rin po iyan ng ating Presidente,” ayon kay Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)
159 