PAGBABALIK NI MELINDO

ALAWANG taong namahinga si dating world champion Milan Melindo mula sa boxing. Nagtala ang 34-anyos na si Melindo ng 7th round TKO win laban kay Cris Omayao sa kanyang comeback fight nitong Sabado ng gabi sa Southern City College Arena sa Zamboanga.

Dala ng pandemya, kasabay ang pagsasara ng ALA ­Boxing Promotions at ng ABS-CBN broadcasting network, ­sinamantala ni Melindo ang makapag-relax mula sa napakahabang panahon niya sa boksing.

Sa panayam nga ng ABS-CBN News online, nabanggit ni Melindo, dating IBF light flyweight champion, marahil gumawa ng paraan ang Panginoon para makapagpahinga siya mula sa aktibong paglaban.

“Sa totoo lang po, nag-rest lang ako kasi nawala ‘yung ALA Promotions, at saka nawala ‘yung ABS-CBN, then nagkaroon ng pandemic ng two years,” lahad ni Melindo.

Dagdag nya: “Nag-relax lang muna ako kasi gusto ko rin makapag-heal. Matagal na kasi ako sa boxing, at the age of 6 years old hanggang age of 32. Parang non-stop ‘yung boxing ko. Around 589 ‘yung amateur fights ko tapos 44 sa pro. Siguro binigyan rin ako ng pagkakataon ng Panginoon na mag-rest muna ako.”

Bagama’t inaasahan ang panalo niya sa 29-anyos na si Omayao, may rekord na 24-23-5, bukod sa apat na talo sa ­huling laban nito, hindi nagpabaya sa paghahanda si Melindo.

Katunayan, aniya, umispar siya kay Tokyo Olympics silver medalist Carlo Paalam at ilang pro boxers sa Cagayan de Oro, pati na sa Zamboanga, kung saan mula 160 pounds, nagawa niyang maibaba ang timbang sa 128 libra.

Ang panalo ni Melindo kay Omayao ay hindi sapat para isabak agad siya sa mas mabigat na laban. Aminado rin ang ­dating kampeon, malayo pa siya sa dating kinalalagyan. Binigyan lamang niya ng 6 (out of 10 rates) ang sarili sa naging panalo kay Omayao.

Si Melindo ay nasa ilalim ng pangangalaga ni businessman Junnie Navarro, siya ring team owner ng Zamboanga Valientes sa VisMin Cup at PBA 3×3 at manager din ni Jonas Sultan.

***
DEHADO muli si WBC bantamweight champion Nonito Donaire sa kanyang laban kay Naoya Inoue, ang Japanese WBA/IBF king.

Base ito sa betting odds ng sportsbook, kung saan si Donaire ay +300, habang -400 si Inoue.

Ibig sabihin, ang bet na $100 kay Donaire kakabig ng $300 (kung mananalo ang tinaguriang “The Filipino Flash”), pero ang $400 bet kay Inoue ay kakabig lang ng $100 (in the event na manalo ang Japanese boxer).

Maghaharap sa rematch sina Donaire at Inoue sa June 7 sa Saitama, Japan, taya ang kani-kanilang koronang hawak.

Naging “Fight of the Year’ ang unang laban ng dalawa noong 2019, kung saan tinalo ni Inoue ang Fil-Am boxer via unanimous decision.

Pero, matatandaang ­heavily favored si Inoue at napakalayo ng odds sa una nilang paghaharap. Nagbukas ang betting odds sa -2500 kay Inoue at +1000 kay Donaire. Habang sa gabi ng laban, -590 (Inoue) at +600 (Donaire).

Bakit nagbago at hindi masyadong malayo ang odds para sa rematch?

Dahil, nasaksihan ng ma­rami kung papaanong pina­hirapan ni Donaire si Inoue sa unang laban. Kung hindi nga lang bumagsak si Donaire, baka tumabla pa iyon.

Matapos din ang pagkatalo ni Donaire, bumawi ito at tinalo si Nordine Oubaali para sa WBC 118-lb belt noong Mayo 2021.

Habang si Inoue, bukod sa nagpagaling muna ng mata na napuruhan sa laban kay Donaire, nakapagdepensa ng kanyang mga titulo laban sa masasabing mismatch na mga kalaban.

Sa magaganap na rematch, magkakaalaman. ­Maging dikitan kayang muli ang 12-round battle? Kung may babagsak, sino?

At sino ang mag-uuwi ng tatlong korona? Abangan!

156

Related posts

Leave a Comment