PAGBEBENTA NG CHINESE FLAG SA LUNETA, INIIMBESTIGAHAN NA

CHINESE FLAG

(Ni DAHLIA ANIN)

Iniimbestigahan na ng otoridad ang pagkakakilanlan ng tatlong lalaking nag-utos umano sa 4 na vendor na nahuling nagtitinda ng Chinese Flag sa Luneta Park

Nakita ang mukha ng tatlong lalaki mula sa mga kuha ng CCTV sa Luneta Park at nakikipag-uganayan na ngayon ang Nationa Park Development Committee (NPDC) para sa ikakahuli nila. Isa sa mga tinitingnan ng pulisya na dahilan nila ay ang pagpapahiya sa administrasyon ni Pangulong Duterte at ang lumalakas na kaugnayan nito sa Beijing.

Matatandaang nag-viral sa social media ang ilang larawan ng mga vendor na nagtitinda umano ng watawat ng China sa Luneta Park.

Ayon sa kanila, binayaran lamang sila para kuhaan ng litrato na mukhang nagbebenta ng mga watawat dahil gagamitin ito sa isang proyekto.

Nai-turn over na ng NPDC sa pulisya ang 4 na vendor, kabilang ang isang menor de edad pero pinalaya rin kalaunan.

Ang pagbebenta ng mga watawat ng bansang China ay nangyari ilang araw bago ang paggunita ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.

Noong Hulyo noong nakaraang taon, ilang red banners ang isinabit sa ilang overpass sa Maynila na may mga katagang “Welcome to the Philippines, Province of China”.

Ikinabit ang mga ito sa araw ng anibersaryo ng pagkapanalo ng Filipinas laban sa China sa International Arbitration Court.

191

Related posts

Leave a Comment