PAGBILI NG BAKUNA BUBUSISIIN SA SENADO

PINAIIMBESTIGAHAN ni Senador Pia S. Cayetano sa Senado ang nakatakdang pagkuha ng pamahalaan ng bakuna sa COVID-19 at iba pang medical supplies at ang pagpapatupad ng programa ng pagbabakuna sa bansa laban sa coronavirus.

Sa inihaing Senate Resolution No. 597 ni Cayetano, nais nitong siyasatin ang polisiya at programa sa gagawing pagbili ng bakuna ng pamahalaan.

“There is a need to review and examine our existing policies and programs to expedite the purchase of [COVID-19] vaccines and the necessary medical supplies to inoculate the desired number of the population, while ensuring that other health protocols necessary to deal with COVID-19 continue to be improved and implemented,” sabi ni Cayetano.

Sinabi pa ng senador na dapat mabantayan ang pagbili ng COVID-19 vaccines at iba pang medical supplies gayundin ang implementasyon ng national COVID-19 vaccination program para matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino sa nasabing virus.

“Even in the United States, there is much concern about rolling out the vaccine efficiently as it is not only an issue of coordination between the government, healthcare professionals, and healthcare systems but also the involvement of local clinics and the general population because a single misstep may lead to the disruption of the entire system,” sabi pa nito.

Sinabi pa ng senador na habang may mga bakuna pa rin na sumasailalim sa mga pagsubok, ang ibang mga bansa ay nakakuha ng sapat na supply sa 2021 para sa halos tatlong beses sa kanilang kasalukuyang populasyon.

“The United States closed a deal with Pfizer as early as July for 100 million vials, and has recently bought another 100 million from Moderna, while Canada, with the population of 38 million, has agreed to buy up to 76 million doses from Pfizer, and 414 million from other vaccine manufacturers,” aniya pa. (NOEL ABUEL)

98

Related posts

Leave a Comment