Pagbubukas ng PBA 46th Season, on target

MULA sa Angeles City sa Pampanga kung saan idinaos ang ika-45 season noong nakaraang taon, ang PBA ay malamang bumalik sa Metro Manila para sa pagdiriwang ng naantalang ika-46 taong ­anibersaryo nito.

Ipinahayag ni PBA Commissioner Willie Marcial sa pakikipag-usap sa SAKSI NGAYON kahapon, ang Ynares Sports Center sa Antipolo City o ang sangay nito sa Pasig City ang napipisil ng liga na maging ­venue kapalit ng Batangas City na naunang napili.

Ang pagpapalawig ng ­quarantine classification sa NCR Plus sa June 1-15 ang nagtulak sa PBA na ganapin sa Metro Manila ang bagong season ng ­Philippine Cup. At malalaman ang pinal na desisyon ng liga pagkatapos ng kalahatian ng buwan.

Sinabi ni Marcial na naka­usap na niya si Antipolo Mayor Junjun Ynares tungkol sa ­posibleng paggamit ng alinman sa dalawang palaruan na pag-aari ng Rizal Provincial LGU.

“We’ll discuss the details of the plans after June 15,” wika ni Marcial, na nagpahayag din ng pag-asang maluwagan na ang quarantine classification sa NCR Plus.

“Kung sa amin lang, pwede na ang Ynares-Pasig na mas maliit kumpara sa Ynares-Antipolo,” ani Marcial. “Ang problema lang sa Ynares-Pasig, walang dugouts. Kaya we would need pa to put up tents as dressing areas for the players.”

Ang Ynares-Antipolo ay kumpleto sa lahat ng gamit at pasilidad ngunit mas mahabang biyahe ang kailangan ng mga manlalaro at opisyal para marating ang lugar.

Samantala, ang lahat ng 12 koponan ng liga ay ­kasalukuyang nagdaraos ng training sa iba’t ibang out-of-town venues gaya ng Batangas, Ilocos Norte at Clark sa Pampanga.

Ang isa pang maaaring makaantala sa planong pagsisimula ng PBA ay ang mabagal na pagtugon ng IATF sa ­aplikasyong matagal nang isinumite ng liga.

Maliban sa ilang tinawag ni Kume na minor glitches, tiniyak niyang on track sila sa kanilang target. “We’re still on track. Hopefully we can open if not late this month, first week of July.”

307

Related posts

Leave a Comment