PAGCOR: GOV’T WORKERS PWEDE SA HOTEL, CASINO PERO BAWAL MAGSUGAL

NILINAW ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na limitado lamang sa pagsusugal ang ipinagbabawal sa mga opisyal at kawani ng gobyerno sa mga hotel at casino.

Sa idinaos na memorandum of agreement (MOA) signing sa Data Sharing of Profiles kasama ang Department of Justice (DOJ), sinabi ni PAGCOR Chairman Alejandro Tengco na hindi ipinagbabawal ang pagpasok ng mga government employee sa naturang mga establisimyento.

Ayon kay Tengco, maaari silang kumain, mamasyal, o manood ng entertainment shows sa loob ng hotel at casino complexes.

Gayunman, binigyang-diin niya na hindi dapat pumasok ang mga kawani ng gobyerno sa mga gaming area o lugar kung saan isinasagawa ang pagsusugal.

Nakapaloob sa Presidential Decree No. 1869 at Memorandum Circular No. 6 s. 2016 ang pagbabawal sa mga empleyado ng pamahalaan na makilahok sa anumang uri ng sugal sa casino.

(JULIET PACOT)

71

Related posts

Leave a Comment