PAGDAMI NG MAY AIDS/HIV SA WESTERN VISAYAS IKINABAHALA

aids

(NI BERNARD TAGUINOD)

UMAPELA ang isang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno lalo na sa Department of Health (DoH) na paigtingin ang kampanya laban  sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) sa Western Visayas region dahil sa pagdami ng mga nahahawa sa nasabing sakit.

Kasabay nito, hiniling ni House deputy speaker Sharon Garin sa DoH na pabilisin ang pagbuo ng Implementing Rules and Regulation (IRR) sa Republic Act (RA) 11166 o HIV  & AIDS policy act of 2018 para maipatupad na ito sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Garin, umabot na umano sa 2,741 ang kasong naitala sa Western Visayas mula noong 1986 kung saan 478 na sa mga ito ay papunta na at mayroon nang fullblown  AIDS.

Kabilang din umano ang Iloilo province sa  top 5 region na may pinakamataas na HIV cases na naitala ng Epidemology Bureau ng DoH noong Disyembre 2018 sa bilang na 547 cases.

“The Province of Iloilo ranked second to Iloilo City with 719 cases, followed by Negros Occidental (474); Bacolod City (441); Capiz (184); Aklan (178); Antique (143) and Guimaras (55),” ani Garin.

Sinabi rin ng lady solon na lalong nakababahala ang pagtaas ng mga kabataan na biktima ng HIV dahil base umano sa 2018 United Nation (UN) Global Aids Update, ay tumaas sa 170% ang mga taong edad 15-24 anyos ang nahahawa mula noong 2010.

Dahil dito, kailangan na aniya ang IRR sa nasabing batas upang maipatupad na ito sa lalong madaling panahon kung saan tutulong na sa kampanya ang  Department Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

 

154

Related posts

Leave a Comment