TAGUMPAY NG TINGOG PARTY-LIST, TAGUMPAY NG MAMAMAYANG PILIPINO

TARGET ni KA REX CAYANONG ISANG malaking tagumpay para sa mga nasa laylayan ng lipunan ang pagkapanalo muli ng Tingog Party-list sa katatapos lamang na 2025 midterm elections. Aba, isa itong malinaw na patunay na pinakikinggan at pinahahalagahan ng sambayanan ang mga partidong tunay na naglilingkod at kumakatawan sa boses ng mga Pilipino—lalo na ng mga nasa rehiyon, probinsya, at mga komunidad na matagal nang naisantabi. Sa pangunguna ng kanilang kinatawan na si Cong. Jude Acidre, muling pinatunayan ng Tingog na ang mabisang pamumuno ay hindi kailangang mapuno ng ingay,…

Read More

MAY REKLAMO SA APPOINTEES NI MARCOS PINALALANTAD

HINIKAYAT ng isang miyembro ng makapangyarihang Commission on Appointment (CA) ang sinoman na tutol sa appointees ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na lumantad na at ihain ang kanilang reklamo sa nasabing komisyon. Ginawa ni CA Assistant Minority Leader at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel dahil nakatakdang isalang ang appointment ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vivencio “Vince” Dizon II sa June 3. “The public is encouraged to submit to the CA secretariat any information, written reports, or sworn/notarized complaints regarding the appointees,” pahayag ni Pimentel. Si Dizon ay…

Read More

ROMUALDEZ BABANGGAIN NI BENITEZ SA SPEAKERSHIP?

HINDI magiging madali kay Tacloban CITY representative Martin Romualdez na makuha muli ang Speakership sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil magkakaroon umano ito ng kalaban sa nasabing posisyon. Sa kondisyong huwag pangalanan kapalit ang impormasyong ito, sinabi ng isang mapagkakatiwalaang impormante sa Kamara de Representante na posibleng lalabanan ni Bacolod City congressman Albee Benitez si Romualdez sa pagiging Speaker of the House. “Isa siya (Benitez) sa matunog na tumakbong Speaker sa 20th Congress,” pahayag ng impormante. Si Romualdez ang kasalukuyang lider ng 19th Congress na ang termino ay nakatakdang magtapos…

Read More

Tiangco pumiyok IMPEACHMENT NI VP SARA ‘NAGPABAGSAK’ SA ALYANSA

HINDI ang pagsuko ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kay dating pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) ang dahilan kung bakit nabigo ang Alyansa kundi ang pagpapa-impeach kay Vice President Sara Duterte. Ito ang pagtaya ng campaign manager ng Alyansa na si Navotas Rep. Toby Tiangco kaya limang senatorial candidate lamang ang naipanalo nila at bigong makaporma sa Mindanao na balwarte ng mga Duterte. “Kung hindi natin ginawa ‘yun (Impeachment) hindi ganito kasama (ang resulta ng halalan),” paliwanag ni Tiangco. Ayon kay Tiangco, maaaring isipin ng…

Read More

54 Female cadets pinapurihan KABABAIHAN HINIKAYAT NI PBBM NA UMANIB SA PMA

HINIKAYAT ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kababaihan na umanib sa Philippine Military Academy (PMA), ang pamosong military school ng Pilipinas, kasabay ng pagbibigay papuri sa 54 female graduates ng PMA Siklab-Laya Class of 2025. Si Pangulong Marcos na nagsilbing panauhing pandangal at guest speaker sa ginanap na graduation rites sa Fort Del Pilar sa Baguio City nitong nakalipas na linggo, ay nagpahayag ng kagalakan nang malaman nitong sa 266 na kasapi ng PMA Siklab-Laya Class 2025 na nagsipagtapos, 54 rito ay mga babae. “Ang mga kababaihang kadete…

Read More

2 BINARIL SA ALITAN SA PARKING

DALAWA katao ang sugatan makaraang barilin ng isang lalaki dahil sa alitan sa parking sa Barangay 103, Tondo, Manila noong Sabado ng umaga. Nahaharap ang 44-anyos na suspek na si Gregorio Tabago sa kasong frustrated murder at physical injury. Kinilala naman ang mga nasugatan si John Villanueva, 45, ng naturang lugar, at isang 20-anyos na dalaga. Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Melvin Florida Jr., station commander, bandang alas-4:00 ng hapon ay nadakip ang suspek sa isinagawang follow-up operation sa tulong ni Police Major Adobis Sugui, ng Northern Police…

Read More

NAMAMASYAL NA ARMADO, BAGSAK SA HOYO

BAGSAK sa selda ang isang lalaki matapos maaktuhang may dalang baril habang namamasyal sa Caloocan City noong Linggo ng umaga. Batay sa ulat, nagsasagawa ng mobile patrol ang mga tauhan ng Caloocan City Police nang lumapit ang isang Barangay Peace and Safety Officer (BPSO) at iniulat ang hinggil sa isang lalaki na may dalang baril habang naglalakad sa Pag-asa Street, Barangay 141, Bagong Barrio. Agad namang nagresponde sa lugar ang mga pulis hanggang sa maispatan nila ang suspek habang naglalakad na agad nilang sinunggaban at kinumpiska ang dalang baril na…

Read More

RAPE SUSPECT NABITAG SA SACLEO SA NAVOTAS

NATIKLO ang isang lalaki na wanted sa kaso ng panghahalay sa isang menor de edad, sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) ng pulisya sa Navotas City. Ayon sa ulat ni Navotas City Police chief, P/Col. Mario Cortes kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan sa lungsod ang presensya ng 35-anyos na suspek sa rape. Sa ikinasang operasyon ng mga operatiba ng Intelligence Section ng Navotas City Police, nadakip nila ang suspek sa Yangco Street, Barangay Navotas East, dakong alas-5:15…

Read More

SELLER NG NAKAW NA MOTORSIKLO SA SOCIAL MEDIA TIMBOG

LAGUNA – Timbog ang isang binata matapos tangkaing ibenta sa pamamagitan ng pag-aalok sa social media ng kanyang ninakaw na motorsiklo sa bayan ng Calauan sa lalawigan. Ayon sa report ng Calauan Police, nawala ang motorsiklo na pag-aari ng isang 33-taong gulang na babaeng daycare teacher noon pang madaling araw ng Abril 21 sa Brgy. Balayhangin ngunit hindi agad ini-report sa pulisya at inilapit na lamang sa barangay dahil sa kawalan ng pag-asang maibabalik pa ito. Subalit noong Sabado ng umaga, nadiskubre nitong naka-post at ibinebenta ng isang lalaki ang…

Read More