INCUMBENT BRGY. COUNCILOR NIRATRAT NG TANDEM

CAVITE – Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ang Cavite Police hinggil sa pamamaril at pagpatay sa isang incumbent barangay councilor sa Brgy. Bagtas sa bayan ng Tanza sa lalawigan noong Linggo ng umaga. Namatay habang nilalapatan ng lunas sa MV Santiago Hospital ang biktimang si Christopher Arcon, 48, dahil sa tama ng bala sa katawan. Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na magka-angkas sa motorsiklo na tumakas matapos ang pamamaril. Base sa footage ng CCTV sa lugar, sakay ang biktima sa kanyang Toyota Innova at pababa ito…

Read More

12 DATING REBELDE SA CENTRAL LUZON NAGBALIK-LOOB

BILANG patunay sa epektibong kampanya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. laban sa insurhensiya, sumuko at nagbalik-loob ang 12 dating kasapi ng Communist Terrorist Group (CTG) at Underground Mass Organizations (UGMO) mula sa mga lalawigan ng Tarlac, Nueva Ecija, at Bulacan. Ang mga ito, ayon kay PBGen Jean Fajardo, Regional director ng Police Regional Office 3 (PRO3), ay sumuko noong Mayo 13 at Mayo 16, 2025. Sinabi ni Fajardo na boluntaryong sumuko ang isang kinilala sa alyas na “Ka Mia,” isang magsasaka mula sa Brgy. Pao 3rd, Camiling,…

Read More

MAHIGPIT NA MONITORING SA COVID-19 TINIYAK NG DOH

HINIGPITAN ng Department of Health (DOH) ang monitoring sa banta ng COVID-19 sa Pilipinas sa gitna ng pagtaas ng mga kaso nito sa ibang bansa. Tiniyak ito ni Health Sec. Teodoro Herbosa na nagsabing bumaba pa nga ng 87% ang kaso ng Covid sa bansa mula Enero hanggang May 03 ngayong taon kumpara sa parehong panahon noong 2024. Mula sa 14,074 noong nakalipas na taon ay bumaba ito sa 1,774 ngayong 2025. Mababa rin ang case fatality rate na 1.13% o isa ang namamatay sa kada 100 tinatamaan ng sakit.…

Read More

CITY PROPERTIES ALAGAAN – LACUNA

NANAWAGAN si Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng opisyal at kawani ng local government na alagaan ang pag-aari ng lungsod maliit man ito o malaki. Sa kanyang mensahe sa regular flag raising ceremony nitong Lunes, sinabi ni Lacuna na ang lahat ng city properties ay binili gamit ang taxpayer’s money kung kaya dapat itong alagaan na parang sarili nilang pag-aari. “Ito ay responsibilidad ng bawat isang tanggapan dito sa ating pamahalaan. Samakatuwid, sana, ayusin po natin at siguraduhin na lahat ng pag-aari ng ating lungsod ay nagagamit nang wasto…

Read More

53 NANALONG PARTY-LISTS NAIPROKLAMA NA

PORMAL nang iprinoklama ng Commission on Elections ang 53 nanalong party-lists para sa 63 upuan sa Kongreso sa seremonya sa The Tent Manila Hotel. (Danny Bacolod) KASUNOD ng proklamasyon ng mga nanalong party-list, inihayag ng Comelec ang planong i-overhaul ang batas patungkol sa lalahok na party-list para sa susunod na halalan sa bansa. Kasunod din ito ng target ng komisyon na ipagbawal ang paggamit ng pangalan ng teleserye o ayuda bilang pangalan ng party-list. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, naniniwala silang napapanahon na para baguhin ang batas patungkol sa…

Read More

LAPID IPINROKLAMANG PANG-11 SENADOR

PORMAL nang naiproklama ng National Board of Canvassers (NBOC) si Senador Lito Lapid bilang pang-11 nahalal na senador sa katatapos na 2025 elections. Si Lapid, tinaguriang Supremo ng FPJ’s Batang Quiapo ay nakakuha ng 13,394,102 votes. Kasama ni Lapid sa proclamation ang misis na si Marissa, anak na si Mark Lapid (COO, TIEZA) at mga kapatid at mga apo. Ikinagalak ni Lapid ang kanyang panalo sa ika-apat na termino bilang senador. Pinasalamatan niya ang mahigit 13 milyong botante na nagtiwala at nagbigay sa kanya ng buong suporta sa panibagong mandato.…

Read More

AMYENDA SA MOTORCYCLE CRIME PREVENTION ACT

EDITORIAL  NILAGDAAN ni President Ferdinand Marcos Jr. ang batas na nag-amyenda sa Motorcycle Crime Prevention Act na nag-aatas sa mga bagong may-ari na mailipat ang rehistro sa loob ng 20 working days. Nakasaad din sa batas na inuutusan ang may-ari na i-report ang bentahan sa Land Transportation Office (LTO) sa loob ng limang araw. Inamyendahan din ang Section 5 ng batas na inaatasan ang LTO na mag-isyu ng mas malaki, readable at color-coded na plaka para sa mga motorsiklo. Ang drivers na walang number plate o readable number plate ay…

Read More

MAGANDANG BALITA PARA SA MGA KONSYUMER

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO KAPAG ganitong panahon ng tag-init, tipikal na sumisipa talaga ang konsumo natin sa kuryente kaya kung limitado lang ang budget para sa bill, talaga namang kailangang maging madiskarte sa pagtitipid. Kaya magandang balita itong inanunsyo ng Meralco nito lang nakaraang linggo na mayroong malaking bawas-singil sa kuryente. Ayon sa distribyutor ng kuryente sa Metro Manila at mga karatig na lugar kagaya ng Rizal, Bulacan, Cavite — magkakaroon ng 75 centavos kada kilowatt-hour (kWh) na tapyas sa rate. Dahil mahigit 500 kWh ang konsumo ko buwan-buwan,…

Read More

IBABA PRESYO NG BILIHIN, SAHOD ITAAS

CLICKBAIT ni JO BARLIZO NALASAP na ba sa inyong lugar ang P20/kilong bigas? Malinis at makakain nga ang P20 kada kilo na binebentang bigas sa mga Kadiwa center. Pinilahan. Patok. Kinagat. Sumasalamin sa pangangailangan ng mahihirap. Kaso, marami ang nadismaya dahil naubusan. Nagtiyaga nga namang pumila. Pero hindi umabot sa cut-off ang ilang residenteng bibili sana ng tig-P20 kada kilong bigas. Kinakapos kahit inaalok lang ang programa sa mahinang sektor kabilang ang senior citizens, solo parents, at persons with disabilities. Hindi sapat kahit ang isang benepisyaryo ay maaari lang makabili…

Read More