PUNA ni JOEL O. AMONGO NAKIUSAP na ang Philippine General Hospital (PGH) sa publiko na humanap ng ibang ospital dahil ang kanilang emergency room o ER ay humaharap ngayon sa ‘overcapacity’. Ang ospital ay lumagpas na sa capacity na 400% na may higit sa 300 pasyente na nagsisiksikan sa pasilidad na nakadisenyo lamang sa 75. Hindi muna sila tatanggap ng mga pasyente sa ER maliban na lamang ‘yung mga nasa kritikal na kondisyon. Kinumpirma ni PGH spokesperson/coordinator for public affairs Dr. Jonas Del Rosario ang nakaaalarmang sitwasyon. Upang malimitahan ang…
Read MoreOFW sa Taif, Saudi Arabia humihingi ng tulong sa DMW
ISA na namang kababayan nating overseas Filipino worker (OFW) ang dumaranas ng matinding pang-aabuso sa kamay ng kanyang employer sa Saudi Arabia. Kinilala ang biktima na si Divina Ganoot Perez, isang domestic worker na tatlong taon nang naninilbihan sa Alshafa, Taif. Ngunit sa halip na magandang oportunidad sa abroad ang kanyang matamasa, puro hirap at kalupitan ang kanyang sinapit. Ayon sa salaysay ni Perez, hindi na siya pinasasahod, hindi pinauuwi, at kinuha na rin ng kanyang employer ang lahat ng kanyang personal na dokumento—kabilang ang kanyang passport. Lalo pang pinasama…
Read MorePara sa mental health issue PASTORS, HEALTH PROFESSIONALS PWEDE TAWAGAN SA EMERGENCY 911
UPANG mapalakas ang 911 Hotline ng Philippine National Police, sasaklolo ang ilang pastor, at health professional volunteers para sa mental health emergency. Ayon kay PNP chief, General Nicolas Torre III, kung may isusumbong kaugnay sa kasong bullying ay maaaring tawagan ang Emergency 911. Batay sa datos, simula noong Enero hanggang Hunyo ay nakapagtala ng mahigit 2,000 Pinoy na nag-suicide at ang ilan sa mga ito ay biktima ng physical at online bullying. Maging ang hepe ng Pambansang Pulisya ay aminado na naging biktima siya ng pambu-bully kaya naging adbokasiya niya…
Read MoreMAMAHALING KAGAMITAN NILIMAS SA PAMILYANG INDIAN
RIZAL – Habang nasa bansang India si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa isang state visit upang patibayin pa ang partnership ng dalawang bansa, isang pamilyang Indian national naman ang nilooban at nilimas ang kanilang mamahaling mga kagamitan ng hindi pa nakikilalang mga suspek, noong Agosto 5, 2025. Ayon sa tinanggap na report ni PLt. Col. Alfredo de Guzman Lim, chief of police ng Cainta Municipal Police Station, bandang alas-3:05 ng hapon nang pumasok sa bahay ng mga biktima ang mga suspek at nagdeklara ng holdap. Sa paunang imbestigasyon, sinabi…
Read More13 tauhan sangkot sa kwestyonableng pag-aresto sa 9 Chinese SPECIAL TASK FORCE NG NBI BINUWAG
BINUWAG ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago ang Special Task Force (STF) ng bureau dahil sa pagkakasangkot ng mga tauhan nito, kabilang ang kanilang hepe, sa kuwestyunableng pagdakip sa 9 Chinese nationals sa isang resort sa Malolos, Bulacan. Nagbunsod ito sa insidente ng paghuli sa mga dayuhan na umano’y nauugnay sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO). Ayon kay Director Santiago, isinailalim na sa masusing imbestigasyon ang Special Task Force sa Internal Affairs Division ng NBI. Maging ang hepe ng nasabing task force ay pansamantalang tinanggal sa puwesto…
Read MoreGUN RUNNER TIMBOG SA CIDG SA BATANGAS
BATANGAS – Arestado ang isang hinihinalang gun runner makaraang isagawa ang buy-bust operation ng mga tauhan ng PNP-CIDG sa Sto. Tomas City sa lalawigan. Kinilala ni CIDG Director Police Brig. Gen. Christopher Abrahano ang suspek na si alyas “Zaldy”, naaresto sa isang gasolinahan sa Maharlika Highway, Barangay San Bartolome, Sto. Tomas, Batangas. Ayon sa ulat, isang CIDG poseur buyer ang nakipagtransaksyon sa suspek at nang magpositibo ay isinagawa ang operasyon na nagresulta ng pagkaaresto sa suspek na nakumpiskahan ng tatlong hindi lisensyadong baril na kinabibilangan ng dalawang 5.56 caliber at…
Read MoreTRUCK SUMALPOK SA NAKAHINTONG TRUCK; 1 PATAY, 2 SUGATAN
QUEZON – Nasawi ang isang pahinante habang sugatan ang nagmamaneho at isa pang pasahero matapos na ang kanilang sinasakyang truck ay sumalpok sa tagiliran ng isang nakahintong truck sa gilid ng Maharlika Highway sa Brgy. Malinao Ibaba sa bayan ng Atimonan sa lalawigan nitong Miyerkoles ng madaling araw. Ayon sa spot report ng pulisya, dakong alas-12:30 ng madaling araw, isang Isuzu wing van truck na minamaneho ni alyas “Mariano”, 37, ang sumalpok sa isang nakaparadang Isuzu dropside truck sa gilid ng highway. Sinasabing nawalan ng kontrol si Mariano sa manibela…
Read MoreMOTEL HINOLDAP NG 2 RIDER, EMPLEYADO GINAHASA
CAVITE – Hinoldap ng dalawang motorcycle rider ang isang motel at ginahasa umano ng mga ito ang isang empleyado ng nasabing establisimyento sa Trece Martires City noong Martes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si alyas “Liz”, 20, cashier sa Pampangenous Inn sa Purok 3, Brgy. De Ocampo, Trece Martires City. Pinaghahanap naman ng pulisya ang dalawang suspek na nakasakay sa isang puting Honda beat na motorsiklo at nakasuot ng puting t-shirt, pulang helmet at naka-jacket. Ayon sa ulat, pumasok ang mga suspek sa Pampangenuos Inn sa Purok 3, Brgy.…
Read MoreYELLOW-PINK ‘WASAK’ KAY TRILLANES
HINDI lang vloggers na supporters ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang nag-aaway-away kundi maging ang grupo ng tinaguriang “dilawan at pinkalawan” na konektado sa grupo ni dating vice president at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo. Ito ang lumalabas matapos palagan ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima ang rebelasyon ni dating senator Antonio “Sonny” Trillanes IV na kung nahalal na pangulo si Robredo ay hindi nito isusuko sa International Criminal Court (ICC) si Duterte. “I have always believed that principled disagreements can strengthen movements—if they are rooted…
Read More