DEAD on the spot ang isang hindi pa kilalang lalaki makaraang tambangan ng riding in tandem suspects nitong Huwebes sa panulukan ng Yuseco at Makata Streets, Sta. Cruz, Manila. Tinatayang nasa edad 30 hanggang 35-anyos ang biktima, may taas na 5’4″, at may tattoo sa dibdib. Base sa ulat na isinumite ni Det. Gary Reyes kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-12:20 ng madaling araw nang tambangan ng mga suspek ang biktima. Nabatid sa report ng pulisya, kitang-kita sa CCTV footage nang…
Read More2 SENIOR HIGH STUDENTS, 1 PA ARESTADO SA BUY-BUST
CAVITE – Nasa kustodiya na ng City Social Welfare and Development (CSWD) ang dalawang senior high school student, habang dinala sa pulisya ang isa pa nilang kasamahan makaraang madakip sa ikinasang buy-bust operation sa Gen. Trias City sa lalawigan nitong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Artek, 16, “Waldi”, 14, at alyas ‘Bugoy’, pawang mga residente ng Brgy. San Francisco, Gen. Trias City. Ayon sa ulat, dakong alas-2:40 n ng madaling araw, nakipagtransaksiyon ang mga suspek sa poseur buyer sa ikinasang operasyon ng mga operatiba…
Read More9-ANYOS GINAHASA’T PINATAY SA PAMPANGA
PAMPANGA – Isang 9-anyos na batang babae na hinihinalang hinalay, ang natagpuang walang buhay sa garahe ng isang bahay sa Barangay Sto. Cristo, sa bayan ng Guagua sa lalawigan. Kinilala ang batang biktima na si Princess Joy Ocampo. Ayon sa imbestigasyon, binugbog at sinakal ang bata bago ito tuluyang pinaslang. Huling nakitang buhay ang bata noong gabi ng Lunes, Marso 4, mag-aalas-8:00 ng gabi, at nakuhanan ng CCTV habang ito ay naglalakad patungo sa bahay ng kanyang mga magulang para humingi ng pambaon sa pagpasok sa school kinabukasan. Napag-alaman na…
Read MoreGINANG NABUDOL NG P15K, 2 BABAENG SUSPEK TIMBOG
CAVITE – Natangay ang P15,000 halaga ng cash ng isang ginang nang mabiktima ito ng “budol-budol” ng dalawang de-kotseng babae sa harapan ng isang kilalang tindahan sa Carmona City sa lalawigan noong Miyerkoles ng hapon. Hawak na ng Carmona Component City Police ang mga suspek na sina alyas “Julie”, 50, at “Arlene”, 52, kapwa residente ng Brgy. Maharlika, Imus City. Ayon sa reklamo ng biktimang si alyas “Linda”, 48, ng Brgy. Lantic, Carmona City, Cavite, naglalakad siya dakong alas-5:15 ng hapon patungo sa Waltermart Carmona, nang tumigil sa kanyang harapan…
Read MoreDATING KAPITAN, 2 PA PATAY SA PAMAMARIL
AGUSAN DEL SUR – Patay ang isang dating barangay captain at dalawa pang lalaki matapos na pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa Purok-2, Barangay Tudela, sa bayan ng Trento, sa lalawigan noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang mga biktimang sina Edmar Llames, dating barangay chairman; Yoyoy Asis, may-ari ng bahay, at Tani Montes, bodyguard ng dating kapitan. Base sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-7:00 ng gabi, bisita ni Asis ang dalawa at naghahapunan ang mga biktima nang bigla silang pasukin ng armadong kalalakihan at sila ay pinagbabaril. Dead on…
Read MoreP33.7-M PINITIK SA BIGAS SCAM
(BERNARD TAGUINOD) TUMATAGINTING na P33.7 million ang nalugi sa gobyerno sa ibinentang bigas ng National Food Authority (NFA) sa pribadong negosyante. Ito ang inisyal na resulta ng unang araw ng pagdinig ng House committee on agriculture and food sa rice scam na kinasasangkutan ng NFA officials sa pangunguna ni suspended Administrator Roderico Bioco. Sa testimonya ng whistleblower na si NFA Assistant Administrator for Operations Lemuel Pagayunan sa komite, P34 umano ang puhunan ng ahensya sa bigas na ibinenta ng grupo ni Bioco sa dalawang rice traders sa P25 kada kilo.…
Read MorePBBM MAY NAKIKITANG BENEPISYO SA WARGAMES KASAMA AUSTRALIA
NARARAPAT lang na ituloy ng Pilipinas ang joint military drills sa Australia dahil maraming benepisyo ang pagsasanay na ito. Sa isang taped interview habang nasa Melbourne, Australia, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang war games sa pagitan ng Pilipinas at Australia ay makatutulong para mapahusay ang ‘defense at security capabilities’ ng bansa at maging ang disaster preparedness. “This will benefit the Philippines because we are conducting these exercises so that we are able to work together with our foreign partners. And when I say work together, it is…
Read MoreSa kawalang aksyon ng Marcos admin PINOY PINAPATAY SA GUTOM AT KAHIRAPAN
UNTI-UNTING pinapatay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa gutom at kahirapan ang sambayanang Pilipino dahil sa kawalang aksyon nito sa problema ng mga magsasaka at hinahayaang mamayagpag ang mga tiwaling negosyante. Ginawa ni Bantay Bigas spokesperson Cathy Estavillo ang pahayag matapos lumobo sa 3.4% ang inflation rate noong Pebrero mula sa 2.8% noong Enero kung saan sa lahat ng mga bilihin ang bigas ang pinakamataas sa paglobo ng presyo. Sa pinakahuling report ng Philippine Statistics Authority (PSA), umaabot sa 23.7 percent ang inflation sa bigas kaya nahila nito pataas…
Read MorePOLITICAL PROVISIONS ISISINGIT SA ECO CHA-CHA
HINDI isinasantabi ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na sisingitan ng political provisions pagdating sa plenaryo ang economic Cha-cha o Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 na pinagtibay na sa committee level. Sa press conference, hiniling ni ACT party-list Rep. France Castro sa taumbayan na samahan silang magbantay dahil maraming pwedeng mangyari kapag inakyat na sa plenaryo ang nasabing resolusyon. “Nangangamba kami na baka mag-float o maamyenda yung committee report during the second reading. Alam naman natin na may mga kongresista na nagsasabing ‘bakit tatlo (provisions) lang…
Read More