PAGHAHANDA SA BAGYO AT KALAMIDAD, PAIGTINGIN

SA GANANG AKIN Ni JOE ZALDARRIAGA

DALAWANG bagyo na ang dumaan sa ating bansa sa loob lamang ng isang linggo, isa rito ang Bagyong ­Karding na naging mapaminsala sa ilang lugar sa Luzon.

Natural na para sa ating bansa ang daanan ng humigit kumulang 20 na bagyo kada taon. Gayunpaman, hindi pa rin dapat maging kampante pagdating sa usapan ng kahandaan.

Bilang pinakamalaking distribution utility sa bansa, handa ang Meralco sa pagharap sa mga kalamidad katulad ng bagyo kaya’t umulan man o bumagyo, tuloy-tuloy ang ­operasyon ng kumpanya.

Kapag may paparating na bagyo, sinisiguro ng Meralco na ang mga pasilidad nito ay hindi basta-basta ­maaapektuhan ng mga puno at halaman, kaya naman nagsasagawa agad ito ng tree-trimming activities sa mga lugar kung saan dumidikit ang mga sanga at dahon ng puno sa mga linya ng kuryente.

Naglalabas din ang kumpanya ng mga impormasyon at paalala para sa mga customer ukol sa kung ano ang mga dapat gawing paghahanda para sa paparating na bagyo. Ang mga ito ay inilalabas sa mga opisyal na social media account ng kumpanya sa Twitter at Facebook, at ipinapakalat din sa pamamagitan ng mga media advisory.

Upang masigurong ang lahat ng tawag ay masasagot at ang lahat ng mensahe ay matatanggap, full force ang Call Center Team ng kumpanya. Sa ganitong paraan ay lalo pang tumataas ang kapasidad ng kumpanya sa pagtanggap ng mga concern ng mga customer pagpasok ng bagyo.

Mayroon ding sistema ang kumpanya ukol sa ­pagbabantay sa mga lugar na may ulat ng mataas na pagbaha, at mga lugar na karaniwan nang binabaha sa tuwing may malakas na ­pag-ulan.

Maagap sa ganitong sitwasyon ang Meralco. Sa oras na tumaas ang tubig sa mga lugar na ito, pansamantalang papatayin ang sirkito ng kuryente rito para sa kaligtasan ng mga residente.

Ang bunga ng kahandaan ng Meralco sa pagharap sa mga kalamidad ay nasasalamin sa mabilis na pagbabalik ng serbisyo ng kuryente sa mga customer na naapektuhan ng bagyo. Umabot sa humigit kumulang 1.2 milyong customer ang nawalan ng kuryente noong ika-25 ng Setyembre ­ngunit mabilis naman itong naisaayos dahil sa tuloy-tuloy na ­operasyon ng kumpanya.

Hindi lang sa pagresponde handa ang Meralco, kundi pati na rin sa paghahatid ng tulong sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Karding. Sa ilalim ng One Meralco ­Foundation, nagpadala ng relief packages ang kumpanya sa mga residente ng San Mateo Rizal, at Polillo Islands sa Quezon.

Patapos na ang buwan ng Setyembre, at 12 na bagyo pa lamang ang pumapasok sa bansa. Napakataas ng ­posibilidad na marami pang darating na bagyo hanggang sa pagtatapos ng taon. Nawa’y ugaliin nating maging handa para sa mga kalamidad gaya ng bagyo. Isipin na lamang natin kung ilang buhay ng mga rescuer ang hindi mailalagay sa alanganin dahil pinili nating maging handa.

296

Related posts

Leave a Comment