PAGHIMAY SA PRESYO NG OIL PRODUCTS TINUTULAN  

doe

(NI ROSE PULGAR)

NAGHAIN ng petisyon ang grupong Philippine Institute of Petroleum Inc. (PIP) sa korte  para ipahinto ang pagpapatupad sa kautusan ng Department of Energy (DoE) na “unbundling”o paghimay sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Inihain ng PIP sa korte ang “Petition for Declaratory Relief with Application for a Temporary Restraining Order and/or Preliminary Injunction” laban sa Circular no. DC2019-05-0008 ng DoE.

Sa Hunyo 29 na epektibo ng naturang circular order.

Sa utos na ‘unbundling’, obligado ang mga kumpanya ng langis na ipaalam sa DoE ang detalyadong computation at ipaliwanag sa dahilan ng pagbabago sa presyo ng langis.

Dapat ipaalam sa DoE ang adjustments sa petrolyo ng hindi lalampas ng alas-3:00 ng hapon isang araw bago ito ipatupad.

Para naman sa LPG, dapat mapaalam ng mga kumpanya ang price adjustment ng hindi lalampas sa katapusan pa ng buwan.

Ayon sa PIP, layon ng petisyon na maprotektahan ang oil industry at ang publiko.

Ang utos ng unbundling ng DoE ay layong maipaalam sa publiko kung makatwiran ang price adjustments ng oil companies.

342

Related posts

Leave a Comment