PAGKWESTYON NI MAYOR VICO SA RESULTA NG INDEPENDENT SURVEY SA PASIG, PINUNA NG MGA RESIDENTE

PINUNA ng mga residente si Pasig Mayor Vico Sotto sa panghihimasok umano nito at pagkwestyon sa mga inilalabas na resulta ng survey.

Kasunod ito ng napaulat na pagkadismaya ng alkalde sa pinakahuling resulta ng poll survey kung saan bumaba ang kanyang rating.

Ayon sa mga residente ng lungsod, pinanghihimasukan ni Sotto maging ang naisapublikong artikulo sa print at online news makaraang magpadala ito ng liham sa isang pahayagan at kinuwestyon kung saan nagmula ang artikulo hinggil sa resulta ng “Pulso ng Lipunan” survey.

Sa nasabing survey ay tumaas ang rating ng kanyang katunggali na si Sara Discaya.

Ayon sa independent survey, nakakuha si Discaya ng 44 percent na suporta mula sa mga rehistradong botante sa lungsod na 2 puntos na lamang na mababa kumpara sa 46 percent ni Sotto.

Ayon sa mga residente, ang pagkwestyon ng alkalde sa artikulo ay maaaring magdulot ng “chilling effect” sa kalayaan sa pamamahayag.

Kinilala ng mga tumugon sa survey ang kakayahan ni Discaya na pagbutihin ang serbisyo sa lungsod at pagsawata sa red tape.

20

Related posts

Leave a Comment