PAGLALAGAY NG BARRIER SA MOTOR IPINAGPALIBAN NG IATF

MAHIGPIT pa rin ang pagtutol ng riders community sa gusto ng Inter-Agency Task Force (IATF) na paglalagay ng barrier sa motorcycle single para lang makapag-angkas ng asawa o mga anak.

Bagamat iilan pa lang ang gumagamit nito ay may mga naitatala ng aksidente. Ayon sa kanila, labis na mapanganib ang gustong ipatupad ng IATF. Sabi pa ng mga nagmomotor sila nga lang mag-isa at wala pang barrier ang kanilang motor pag dumaan sila sa flyover ay halos matangay na sila sa tama ng hangin, paano pa kaya kung may barrier na ilalagay at kasama pa nila ang kanilang mahal sa buhay?

Wala rin nagsabi mula sa eksperto sa transportasyon ng motor na makakabuti sa riders ang paglalagay ng barrier. Ika nga nila kung nagiisip ng kaligtasan ang IATF para sa riders sana yung totoo hindi pakitang tao lang.

“Para daw makaiwas ng hawahan ang buong pamilya sa Covid-19 eh pag-uwi nila sa bahay magkatabi sila sa higaan na natutulog”, dagdag pa ng riders community.

Kaya masama ang loob ng riders community sa ilang opisyal ng gobyerno dahil lagi sila ang napagbubuntunan ng sisi ng kanilang kahinaan.

Tulad halimbawa ng mga kriminal na riding in tandem, dahil hindi ito masugpo ng mga awtoridad, gumawa ng batas ang isang senador na maglagay ang mga motor ng malalaking plaka.
Para lang kumita ang ­gobyerno at kontraktor na gagawa ng plaka pero perwisyo naman sa riders, ganun ba yun? Yan ang katanungan ng nagkakaisang riders community. Bakit hindi nila tapatan

ng motorcycle unit ng gobyerno ang mga riding in tandem?
Ngayon dahil may Covid-19 muli na naman daw sila napagiinitan ng gobyerno kailangan daw lagyan ng barrier ang kanilang mga motor.

“Kung tutuusin mas ligtas ang mga asawa namin at kamag-anak namin na umangkas sa sarili ­naming motor kesa makipag-agawan o makipagsiksikan sa kakaunting public transport na bumibiyahe ngayon,” ayon pa sa ilang riders na nakapanayam ng PUNA.

Ayon sa nakuhang info ng PUNA maraming posibilidad na pwedeng pagmulan ng hawaan ng Covid-19. Tulad ng droplets mula sa tao na positibo, pwede rin daw sa hangin pero limitado lang ang layo na aabutin o kaya ay sa mga bagay na kinapitan ng isang taong umubo.

Kaya kung sisiliping mabuti ng IATF mas may tsansa ang hawahan ng Covid-19 sa mas ma­raming tao na nakakasalamuha tulad ng pagsakay sa public transport kesa pagsakay sa motorcycle single.

Sabi nga nila hindi pa ba sapat ang face mask at helmet na suot ng angkas ng riders para protektahan sila sa Covid-19 at disgrasya sa kalye? Kaya hindi nila maintindihan kung bakit daw ­ipinagpipilitan ng IATF  na maglagay sila ng barrier. Hamon tuloy nila sa mga taga IATF subukan kaya nilang gumamit ng motorcycle single na may barrier.

Ipinagpaliban daw ang ­pagpapatupad ng IATF sa ­paglalagay ng barrier sa motorcycle, ayon sa statement ni PNP deputy chief, LGen. Guillermo Eleazar kaya hindi muna raw sila manghuhuli ng mga motor na walang barrier.

In fairness naman kay Gen. Eleazar, magaling yan at sumusunod lang siya sa kung ano ang sinasabi ng IATF. Si Gen. Eleazar kasi ang hepe ng Joint Task Force (JTF) Covid-19 Shield na dapat daw itong Hulyo 19, 2020 ang deadline sa paglalagay ng barrier sa mga motor.

Muli nilang itinakda sa ­Hulyo 26, 2020 ang paglalagay ng harang o dibisyon sa pagitan kay misis at mister sa kanilang na­kayanang bilhing sasakyan.
Parang hiwalay sa puti at de kolor sa labada yan ah.

Kung tutuusin, mas delikado pa nga ang motorcycle taxi na mahawa ang kanilang mga kamag-anak  sa Covid-19 dahil magkakaibang tao ang gumagamit nito sa tuwing bibiyahe sila.

Ang sa mag-asawa, ang ipinaglalaban lang nila ay ang maihatid nila ang kanilang mga kamag-anak sa pamimili ng pagkain, trabaho at iba pang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Hindi naman daw sila tutol sa paglaban ng gobyerno sa ­Covid-19 pero dapat ay tiyakin lamang daw na hindi rin sila malalagay sa disgrasya sa kalye.

oOo
Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email joel2amongo@yahoo.com at operarioj45@yahoo.com

PUNA Ni JOEL AMONGO
118

Related posts

Leave a Comment