Paglilinaw ng Palasyo ‘NO VAX, NO LABAS’ EPEKTIBO NATIONWIDE

NILINAW ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na paiiralin sa buong bansa ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na pigilan sa paglabas ang mga unvaccinated individual.

Sa kanyang ‘Talk to the People’, inatasan ni Pangulong Duterte ang local government officials na tiyaking hindi makalalabas ng tahanan ang mga hindi bakunado maliban na lamang kung ito ay essential.

Dapat aniyang hilingin ng mga opisyal ng barangay sa mga residenteng kanilang nasasakupan na hanggang ngayon ay hindi pa bakunado laban sa COVID-19 na manatili sa kanilang bahay.

“In the absence of a law, the President is called upon to act and because it is a national emergency, it is my position that we can restrain,” ayon kay Pangulong Duterte.

Idinagdag pa nito na ang mga barangay chairpersons ay maaaring ipatupad ang lahat ng batas sa bansa “within his community.”

“I am now giving orders to the barangay captains to look for those persons who are not vaccinated and just request them or order them if you may to stay put,” aniya pa rin.

Maaari aniyang manghuli ang mga barangay chairpersons ng unvaccinated persons kung tatanggi ang mga itong makipagtulungan.

“If he refuses, if he goes out of the house and goes around the community or wherever magpunta, he can be restrained. If he refuses, the barangay captain being a person of authority have the power to arrest,” ayon sa Pangulo.

Matatandaang sinabi ng Pangulo na walang dahilan para agad arestuhin ng mga barangay official ang mga unvaccinated na tao.

“‘Di naman agad arestuhin basta pakiusapan lang. E ‘di ka nagpabakuna then you put everybody in jeopardy. You get contaminated, dalhin mo, ngayon pero pamilya, per bahay ang contamination,” anito. (CHRISTIAN DALE)

144

Related posts

Leave a Comment