PAGLIPAT NG KAMARA SA BGC KOKONTRAHIN NG MINORYA

MAYORYA sa mga empleyado ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang tutol na ilipat ang kapulungan sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Ito ang napag-alaman kay House Deputy Minority Leader France Castro base umano sa kanilang isinagawang pag-aaral kaya tututulan umano ng kanilang grupo ang isinusulong ng liderato ng

Kamara na lumipat mula sa kasalukuyang tanggapan ng mga Batasan Pambansa Complex sa Batasan Hills, Quezon City.

“We firmly reject plans to transfer the House of Representatives to BGC. Based on studies, an overwhelming majority of Congress employees themselves are against this relocation proposal,” ayon kay Castro.

Ang Kamara, sa pamumuno ni House Speaker Martin Romualdez, ay bumuo na ng Ad Hoc committee para pag-aralan ang paglilipat ng kanilang bahay sa BGC bilang tugon sa House Resolution (HR) 1390 na inakda nina Senior Deputy Speaker Rep. Aurelio “Dong” Gonzales; Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte at Quezon Rep. David “Jay-Jay” Suarez.

Ang nasabing mga mambabatas din ang inatasang mamuno sa pag-aaral sa paglilipat ng bahay upang mapalapit umano ang kapulungan sa Senado na may itinatayong sariling gusali sa nasabing lugar.

Subalit, ayon kay Castro, pagsasayang lang ng pera ang gagawin ng Kongreso at walang makitang dahilan kung bakit lilipat ang mga ito sa BGC gayung sapat na ang laki ng Batasan Complex.

“We are against wasting billions of pesos on an unnecessary transfer to the business district of BGC, where property values reach almost P1 million per square meter. The current House premises are more than adequate and spacious to serve the needs of legislators and staff,” ani Castro.

Nagbabala ang ang kongresista na magdudulot ng pagtaas ng cost of living sa hanay ng mga empleyado ng Kamara kapag itinuloy ang paglipat sa BGC at posibleng maging dahilan din ito ng lalo pang paglala ng trapiko patungo sa nasabing lugar.

“BGC suffers from exorbitant costs of living and horrendous traffic. Relocating the House of Representatives, which is supposed to be the house of the people, to such an elite business enclave would only distance it further from the masses,” paliwanag pa ng mambabatas. (BERNARD TAGUINOD)

307

Related posts

Leave a Comment